Piolo sa pagiging tatay ni Inigo: I’m a cool dad, I can be a friend
MARAMI ang nagtatanong kung bakit hindi si Inigo Pascual ang kinuha ng Dreamscape Entertainment para gumanap na anak ni Piolo Pascual sa “Pamilya Sagrado.”
Sina Kyle Echarri at Grae Fernandez ang maswerteng nakuha para bigyang-buhay ang role bilang mga anak ng karakter ni Papa P na isang corrupt na governor.
In fairness, may napatunayan na rin naman pagdating sa aktingan si Inigo, na matatawag na ring Hollywood star matapos siyang lumabas sa American series na “Monarch” two years ago.
Baka Bet Mo: Inigo natupad na ang pangarap na magkaroon ng farm, bumili pa ng mga kabayo, baboy at baka
Sa grand presscon ng “Pamilya Sagrado”, natanong si Piolo kung bakit hindi si Inigo ang kinuha bilang isa sa mga anak niya sa serye, na siguradong pag-uusapan ng mga manonood.
View this post on Instagram
“He’s busy in the US. He’s doing some work in the States, so I think that’s his priority for now. But siguro, given the chance, we’ll cross the bridge when we get there.
“Because even my son is not comfortable working with me. Magtatawanan lang kami siguro. We love to sit together, pero to act together sabi ko it will take a really good script,” esplika ni Papa P.
Natutuwa at nagpapasalamat si Piolo dahil kahit hindi sa kanya lumaki si Inigo ay napanatili pa rin nilang mag-ama ang kanilang closeness. Sa kanyang inang si Donna Lazaro lumaki si Inigo.
Baka Bet Mo: Aiko sa rebelasyon ni Eric Quizon: Akala ko hindi niya ako type!
“He didn’t grow up with me. He grew up with his mom. So he would just come to me occasionally before pag wala akong trabaho.
“When he went to the States, nadadalaw ko siya once or twice a year. So wala kami masyadong physical relationship or contact. But now, he’s almost 30. He’s turning 27,” aniya pa.
View this post on Instagram
“He was like texting me the other day, ‘Pa, I want to do this business, who can I partner up with? How do I start with a business? Who’s your contact for this and that?’
“Sabi ko, ‘Son, that’s adulting. Gather it all. Write it down. And then we’ll discuss it when I see you next month.’ So nandu’n na siya sa point na yun,” pahayag pa ng Ultimate Leading Man
Sa tanong naman kung kumusta siya bilang tatay, “Growing up, how I was as a father, hindi naman ako tolerant pero I’m the cool dad.
“I’ve always been the cool dad. I’ve also never had the chance to live with him so pag may oras na puwede kami magkasama, I make it appear as if, you know, it’s the last day of the world.
“But now that he’s become an adult, mas marami kaming oras. Nagtu-tour ako and he comes to my tour.
“During break nagkikita kami and then we just spend father and son time together. And that’s the best feeling. So me as a father, I’m a cool dad. I’m a friend. I can be a friend,” sey pa ng premyadong aktor.
Kasama rin sa pinakabagong family-thriller drama ng ABS-CBN na “Pamilya Sagrado” sina Tiro Cruz III, John Arcilla, Mylene Dizon, Aiko Melendez, Shaina Magdayao, at Joel Torre, mula sa direksyon nina Andoy Ranay at Lawrence Fajardo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.