Bestseller book na ‘The Wild Robot’ bubuhayin sa animated film

Bestseller book na ‘The Wild Robot’ bubuhayin sa animated film

Pauline del Rosario - June 17, 2024 - 06:39 PM

Bestseller book na ‘The Wild Robot’ bubuhayin sa animated film

PHOTO: Screengrab courtesy of Universal PIctures International

IBANG klaseng experience at adventure ang masisilayan sa animated movie na ipapalabas sa darating na Oktubre.

Ito ang “The Wild Robot” na hango sa number one New York Times bestseller na libro na may parehong titulo mula sa panunulat ni Peter Brown.

Ang mga karakter sa upcoming film ay bobosesan nina Lupita Nyong’o, Pedro Pascal, Catherine O’Hara, Bill Nighy, Kit Connor, Mark Hamill, at Stephanie Hsu.

Kalalabas lang ng pasilip ng pelikula at ang epic adventure ay iikot sa journey ng isang robot na pinangalanang si “Roz.”

Mapapanood na napadpad ang robot sa isang isla kung saan niya natutunan ang mamuhay kasama ang ilang wild animals.

Baka Bet Mo: Heart umaming naging ‘robot’ noon; mga toxic sa buhay burado agad

May eksena pa nga na tila nagsilbi siyang adoptive parent ng isang naulilang gansa.

Narito ang inilabas na synopsis ng upcoming animated film ng Universal Pictures:

“When the robot Roz, short for ROZZUM unit 7134, gets stranded on an island far from civilization, they must learn to adapt to the environment and cohabit with the population of animals living within the forests.

“Struggling to survive, Roz gets thrust into the world of parenting as they cross paths with an orphaned gosling, who might teach them to become more than what they were programmed to be.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “The Wild Robot” ay mapapanood sa mga lokal na sinehan sa October 9.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending