Elijah ayaw muna sa gay role, pero tuloy ang pakikipabaka para sa LGBT

Elijah ayaw muna sa gay role, pero tuloy ang pakikipabaka para sa LGBT

Elijah Canlas

MALAKI ang nagawa ng BL online series na “Gameboys” kina Elijah Canlas at Kokoy de Santos na sinyut at umere sa kasagsagan ng pandemya.

Sa sobrang hit nito ay nagkaroon pa ng movie version na ipinalabas naman noong 2021.

Kaya naman lagi itong ipinagpapasalamat ng dalawang mahusay na aktor kapag napag-uusapan ang “Gameboys” na idinirek ni Ivan Andrew Payawal produced by IdeaFirst Company.

Baka Bet Mo: Kylie may ginamit na ‘therapy’ para maka-move on agad kay Aljur; Kyle Velino sinuwerte sa ‘Gameboys’

Pero sa estado ngayon ni Elijah ay malabo nang tumanggap uli siya ng BL role lalo’t tigasin ang karakter niya sa “FPJ’s Batang Quiapo” bilang si Pablo Caballero na tagapagmana ni Don Facundo Caballero, ang karakter ni Jaime Fabregas.


Sa panayam kay Elijah ng “Ogie Diaz Inspire” YouTube channel sinagot ng aktor ang tanong kung tatanggap pa ba siya ng LGBTQIA+ na role.

“Right now I don’t see it happening Mama Ogs, nagsabi na rin ako about last year nu’ng na-release ‘yung About Us But Not About Us with Direk Jun (Robles) where I play someone from the LGBTQ community as well.

“Nagsabi na ako na this maybe my last for a while kasi gusto ko ring mabigyan ng opportunity ‘yung iba pang Queer actors, marami akong kilalang queer actors as well na mahuhusay and I’d be proud enough na makakuha sila ng ganu’n klaseng trabaho.

“And they represent themselves kasi siyempre kahit ally ako, sinusuportahan ko ‘yung pakikibaka ng LGBTQ community at nauunawaan ko ‘yung struggle.

Baka Bet Mo: ‘Pabukol’ na BL actor gagawin ang lahat para lang bumongga ang career

“Hindi ako from the LGBTQ community, so, mas maganda ang gumanap do’n, e, mga taong nandoon talaga sa community na mas alam nila ang struggle eh,” paliwanag mabuti ng aktor.

Natawa si Elijah sa tanong ni Ogie kung napagkakamalan na siyang gay, “Hanggang ngayon naman yata Mama Ogs napagkakamalan ako, pero (sabi ko), I’m fine, I guess it’s a compliment that people believe I’m gay or from the community, secure ako sa sarili ko.”

Samantala, nalaman din na paisa-isa lang tumanggap ng proyekto si Elijah na hindi katulad ng ibang aktor na maramihan bilang source of income.

“Pero ikaw gusto mong maka-focus.  Hindi ka after sa pera o talent fee?” tanong ni Ogie kay Elijah.


“Kasama rin ang talent fee of course pero ako po kasi nagsimula na passion (pag-arte), nagsimula ako sa teatro (at) hanggang ngayon gumagawa ako ng mga indie, art films.

“Alam naman ng karamihan na hindi talaga beneficial financially minsan nga abonado ka pa sa mga ibang trabaho pero (food for the soul, sabi ni Ogie), exactly Mama Ogs at nae-enjoy ko talaga.

“At ngayong nagsasabay ako ng mga projects (Batang Quiapo at High Street) it’s not as bad as I thought okay naman at masaya na nabi-busy at marami ring kaganapan sa buhay at grateful po ako sa opportunity na binibigay sa akin lagi,” paliwanag ng Urian at FAMAS Best Actor noong 2020 para sa pelikulang Kalel 15.

Nanalo rin siyang best actor sa 6th The EDDYS para sa Cinemalaya 2022 film na “Blue Room.”

Sa kasalukuyan ay maganda ang feeback kay Elijah sa karakter niyang Pablo sa “Batang Quiapo” na mortal na kaaway ni McCoy De Leon as David at Tanggol played by Coco Martin.

Read more...