Ria sa ‘pregnancy’ announcement: ‘We never denied anything’

Ria sa ‘pregnancy’ announcement: ‘We never denied anything’

Pauline del Rosario - June 17, 2024 - 02:41 PM

Ria sa ‘pregnancy’ announcement: ‘We never denied anything’

PHOTO: Instagram/@ria

HINDI na nakapagpigil at sinagot na ng aktres na si Ria Atayde ang isang epal na basher sa kanyang latest Instagram post.

Magugunitang kasabay ng Father’s Day celebration, masayang ibinandera nina Ria at ng kanyang mister na si Zanjoe Marudo na magkaka-baby na silang dalawa.

Marami ang natuwa sa anunsyo ng couple, pero hindi pa rin mawawala ang ilang haters.

Hindi na namin mahanap sa comment section, pero kumalat sa social media ang pagpalag ni Ria sa basher na ang sabi ay, “Hahahaha…tapos de-deny pang buntis! Susme.”

Ang sagot sa kanya ni Ria, “We never denied anything, Madam.”

Baka Bet Mo: Ria ibinandera ang ‘baby bump’, buntis sa 1st baby nila ni Zanjoe

Aniya pa, “We just didn’t think we owed anyone an announcement [smiling emoji].”

“Thank you for the support po,” mensahe pa ng soon-to-be mom.

Ria sa ‘pregnancy’ announcement: ‘We never denied anything’

PHOTO: Screengrab from Instagram

May iilan din kaming nakita na ganyan ang sentimyento sa comment section, pero siyempre mas marami pa rin ang dumepensa at nagtanggol sa aktres.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin na binarag ang mga epal na bashers at haters:

“Hindi big deal ang nabuntis, ang importante pinakasalan so meaning mahal niya ang ina sa magiging anak nila at sa future babies nila…Congratulations po sa inyo [clapping hands emojis] Ri and Z”

“2024 na po ‘di na big deal ‘yan and my ambag ka ba sa buhay nila? ‘Diba wala po and ikaw po ba nagpapakain sa kanila?”

“Ang daming mga feeling na naman dito! Atupagin niyo kaya sarili niyong buhay…ano naman ngayon kung nagpakasal sila dahil nabuntis si Ria? May ambag ba kayo sa buhay nila…kaloka! Basta I’m happy for the both Z and Ria since day 1 [smiling face with hearts emojis] Congrats”

“I don’t think they need to inform you, who are you anyway, mind your own business and your life!!!”

Kung maaalala, ikinasal sina Ria at Zanjoe noong Marso sa isang civil ceremony sa Quezon City makalipas ang isang buwang engaged.

Marami ang naghinala na baka buntis si Ria kaya tila minadali ang pagpapakasal ng dalawa.

Lalong naging usap-usapan sa social media ang “pregnancy rumors” nang ibahagi ni Cristy Fermin sa kanyang “Cristy Ferminute” vlog na may source sila na nagsasabing preggy nga talaga ang anak ni Sylvia Sanchez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“May source po kami na nagsabi na tatlong buwan na raw pong nagdadalang-tao ngayon si Ria Atayde na talaga namang ikinatutuwa ng magkabilang pamilya Marudo at Atayde,” saad ng batikang kolumnista.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending