INAATAKE rin ng nerbiyos ang Kapamilya actress na si Ivana Alawi kapag gumagawa ng content sa lansangan para sa kanyang YouTube channel.
Marami nang nagawang prank at iba pang vlog si Ivana na kuha sa kalye o sa labas ng kanilang bahay na talaga namang tumatabo ng milyun-milyong views sa kanyang YT channel.
Baka Bet Mo: Sharon hindi sinanay si Frankie sa mga branded na gamit; Dina, Alma magsasama sa comedy series
“Kapag nagpa-prank ako sa kalye, kinakabahan talaga ako kasi anything can happen. Puwede akong sapakin. Kabado talaga ako every time na may ginagawa ako sa public,” pag-amin ni Ivana sa isang interview.
“Kasi kapag nagba-vlog ako sa street, wala akong kasama. ‘Yung hairstylist ko lang pero malayo siya,” dagdag na pahayag ng leading lady ni Coco Martin sa “FPJ’s Batang Quiapo.”
Pinabulaanan din ni Ivana na scripted ang mga ginagawa niyang vlog, “Wala kaming script. Usually kapag may content or may pinost ako, I always make sure na authentic ‘yung pino-post ko.
“Ang importante sa akin ay walang script. Just be yourself. Tuluy-tuloy naman siya kung anong maisip ko,” aniya pa.
Baka Bet Mo: KC Concepcion umaming ‘kerengkeng’ sa socmed, tinawag na ‘batang kalye ng Paris’: Gusto ko ring mag-Divisoria, pero…’
Todo-todo naman ang pasasalamat ni Ivana sa ABS-CBN at kay Coco dahil sa pagbibigay ng chance sa kanya na ipagpatuloy ang kanyang pag-aartista at mas mahasa pa ang talento niya sa aktingan.
“It’s such a dream come true. Nagagawa ko ‘yung iba’t ibang acting like sa action scenes, sa drama. Ang ganda niya.
“Kasi sa content, I’m myself, I do it at my own time. Itong taping naman, M-W-F (Monday, Wednesday at Friday) tapos pagpasok mo dapat andoon ka na agad sa character mo,” ayon pa kay Ivana na gumaganap na Bubbles sa “Batang Quiapo.”
“Si Coco sobrang bait in everything, in action scenes, drama scenes. Kapag hindi ko nagagawa, kakausapin niya ako na ganito ang mas magandang delivery.
“Very hands on si Coco, the directors, and the whole staff ng Batang Quiapo,” aniya pa sa ulat ng ABS-CBN.
Samantala, nagsalita rin ang dalaga tungkol sa pag-handle ng mga bashers na hanggang ngayon ay nangnenega sa kanya at patuloy na tumatawag sa kanya ng “hubadera lang” at “puro retoke.”
“Dati talaga nagbabasa ako ng (comments) pero ‘yung manager ko tinuruan ako na don’t read, deadma na.
“Hindi mo naman talaga mapi-please lahat ng tao. That’s something that you should always keep in mind na may mga taong magugustuhan ito, may mga taong hindi.
“Pero tuluy-tuloy lang ako. I don’t read comments na. Kung hindi nila gusto, salamat pa rin. Kasi kung papa-control ako sa kanila, anong maiisip kong content?” pahayag ni Ivana.
Sa ngayon ay may 17.9 million subscribers na si Ivana sa YouTube at ito ang payo niya sa lahat ng mga vloggers na nagsisimula pa lamang, “Be yourself. Believe in yourself.
“When it’s your time to shine, you will shine. Kunwari nag-start ka na and it’s not working, don’t give up kasi darating din ‘yung time mo,” sey ng sexy actress-vlogger.