Romnick sa relasyon nila noon ni Sheryl: Parang naging kami…MU ganu’n

Romnick sa relasyon nila noon ni Sheryl: Parang naging kami...MU ganu'n

Sheryl Cruz at Romnick Sarmenta

NAHIRAPANG sumagot si Romnick Sarmenta sa tanong kung naging girlfriend ba niya ang dating ka-loveteam na si Sheryl Cruz.

In fairness, isa rin sa maituturing na phenomenal loveteam ang kanilang tambalan na nagsimula noong 1980’s dahil sa sandamakmak nilang fans na talagang sumusugod sa mga sinehan kapag meron silang pelikula.

Pero ang tanong, umabot ba sa totohanan ang pagmamahal nila sa isa’t isa? Humantong ba sa pagkakaroon ng relasyon ang kanilang pagiging magka-loveteam?

Baka Bet Mo: Jeric umamin na sa tunay na relasyon nila ni Sheryl: Very, very close kami, special ‘yun

Yan ang isa sa mga naitanong kay Romnick nang ma-interview siya sa “Updated With Nelson Canlas” podcast kung saan tila na-hotseat nga ang premyadong aktor.

“Ano ba tamang sagot, Sheryl? Hindi ko kasi alam kung inamin niya,” ang pahayag ni Romnick.


Aniya, 17 years old pa lamang siya habang 15 naman si Sheryl nang magsimula ang kanilang tambala sa pelikula at mga telesine.

“So kung iniisip ng mga tao naging sila ba? Sa kung anuman po ang abot kaya nung ganu’n klaseng pag-iisip mula 15, 17, tapos umabot ako ng 18, 19, so siya umabot ng mga 17, parang naging kami. Siguro dahil we were always together,” esplika ng aktor.

Sa tanong kung matatawag ba niyang MU o mutual understanding ang label ng naging relasyon nila noon ni Sheryl, “Oo parang ganu’n. But we were also very young.

“So, hindi mo masasabi na, seryoso ba ‘yan o hindi? Hindi mo rin puwedeng sabihin hindi naman siya seryoso. Kasi we were together. We were not trying to play with each other’s feelings,” sey pa ni Romnick.

Baka Bet Mo: Sheryl Cruz ayaw sanang saktan, apihin si Jo Berry: Pero kailangan, e!

“I think it’s fair to say na the being together every day made us fond of each other and we found it easier to relate to each other. Pero to call it a relationship, I think masyado kami bata din,” dagdag pa niyang paliwanag.

Matatandaang sa isang episode ng “Fast Talk With Boy Abunda,” inamin ni Sheryl na niligawan siya ni Romnick noon, ngunit hindi naman daw nila ito sineryoso dahil pareho pa silang bata.


“I cannot call it really like serious serious thing because for me my head wasn’t about relationship.

“My head was really focused about finishing school, and not only finishing school but also moving on to become a solo actress that will be paired off with other leading men,” paliwanag ni Sheryl kay Tito Boy.

Sa ngayon, napapanood si Sheryl sa GMA Afternoon Prime series na “Lilet Matias: Attorney-at-Law” na pinagbibidahan ni Jo Berry.

Si Romnick naman ay itinanghal na Best Actor sa Gawad Urian para sa natatangi niyang pagganap  sa pelikulang “About Us But Not About Us.”

Read more...