Kathryn, Dominic spotted na magkasama sa gym, ano’ng meron?

Kathryn, Dominic spotted na magkasama sa gym, ano'ng meron?

NAISPATANG magkasamang naggi-gym together sina Kathryn Bernardo at Dominic Roque.

Trending ngayon sa X (dating Twitter) ang larawan ng dalawa dahil na rin sa pagbibigay reaksyon ng mga fans ng dalawa ukol sa pagiging malapit nilang muli sa isa’t isa.

Sa katunayan, mismong trainer ay coach nina Kathryn at Dominic na si Mauro Lumba ang nagbisto sa dalawa na magkasama ito nang mag-upload siya sa kanyang Instagram story nitong Martes ng gabi, June 11.

“Workout buddies,” caption nito sa ibinahaging larawan ng dalawa kasama ang anak niya.

Baka Bet Mo: Kathryn bagay sa ‘Vagabond 2’ ni Lee Seung-gi; Chavit gagastos ng $1-M

Pag-amin ng celebrity fitness coach, naaliw siya sa pagiging close ng kanyang anak na babae kay Kathryn kaya ibinandera niya ito sa social media.

Agad naman itong ibinahagi ng mga faney ng Kapamilya actress sa iba pang social media pages.

Marami ang pumuri kina Kathryn at Dominic dahil finally ay bumabalik na ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa.

Matatandaang noon pa man ay malapit na magkaibigan na ang dalawa at sa katunayan ay pareho silang miyembro ng Nguya Squad.

Ngunit nang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan nina Daniel at Dominic ay naging malimit na ang interaksyon nila ni Kathryn.

At ngayong break na ang dalawa ay muli na namang nagiging malapit ang dalawa sa isa’t isa.

Napapadalas na rin ang presence ni Dominic sa mga ganap sa buhay ni Kathryn at maging sa mga simpleng paglalaro ng volleyball at paggi-gym ay magkasama ang dalawa.

Kaya naman may ilan ring fans ang hindi mapigilang maging delulu o maglagay ng malisya sa pagsasama ng magkaibigan.

Samantala, wala pa namang pahayag o reaksyon sina Kathryn maging si Dominic hinggil sa pangyayari.

Read more...