Trina Candaza nagsalita na kung bakit wala ang anak sa kasal ni Carlo

Trina Candaza nagsalita na kung bakit wala ang anak sa kasal ni Carlo

Carlo Aquino, Trina Candaza, Enola Mithi at Charlie Dizon

SADYA naman pala talagang hindi kinuhang flower girl ni Carlo Aquino ang anak na si Enola Mithi sa kasal nila ni Charlie Dizon nitong Linggo, Hunyo 9.

Follow-up ito sa nasulat namin dito sa BANDERA nu’ng Lunes, Hunyo 10, na  hindi parte ng wedding entourage nina Carlo at Charlie ang apat na taong gulang na anak ng aktor.

Baka Bet Mo: Carlo Aquino muling naka-bonding ang anak: Pagmamahal na habang buhay…

Sa “Showbiz Update” vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Tita Jegs ay ikinuwento ng una na tinawagan niya si Trina Candara para tanungin kung bakit hindi ka-join ang anak sa kasal nina Carlo at Charlie.


Kuwento ni Ogie, “Sabi ni Trina nasa kanya lang daw si Mithi (at) baka raw ‘yung iba mamis-interpret na hindi niya pinayagan. Si Carlo raw didn’t ask if puwedeng um-attend si Mithi. Pero kay Trina kung nagpaaala lang si Carlo bakit naman daw hindi? E, hindi nga nag-reach out sa kanya.

“So, ako naman (ay) naiintindihan ko rin naman si Trina kung saan siya nanggagaling at naintindihan rin naman natin si Carlo kung saan siya nanggagaling na baka ayaw muna niyang gambalain at gusto niya focus lang siya sa anak niya pag sila’y nagkita ni Mithi,” paliwanag ni Ogie.

Baka Bet Mo: Carlo Aquino absent sa third bday celebration ng anak na si Mithi, anyare?

Salo naman ni Mama Loi, “I’m sure may reason din naman si Carlo kaya respetuhin din natin baka naman ma-bash siya nang bonggang-bongga.  Kanya-kanya po tayong rason kungbaga sa special day natin ay tayo lang ang may karapatan kung sino ang gusto nating imbitahin.”


Hirit pa ni Ogie, “Oo, I’m sure naiintindihan ‘yan ni Trina ‘no? Saka feeling ko naman binigay ni Trina kay Carlo na moment mo ‘yan, i-enjoy mo, pag gusto mong sarilinin ang anak mo, you have also your time with Mithi.”

Hayan naklaro na kung bakit wala si Mithi sa kasal ng tatay niya.

At siguradong pagdating ng tamang panahon ay mababasa na niya sa internet kung ano ang mga nangyari sa magulang niya kung bakit hindi sila nagkatuluyan.

Read more...