Andi-Philmar wedding tuloy: Magiging masaya si Nanay pag nagpakasal kami

Andi-Philmar wedding tuloy: Magiging masaya si Nanay 'pag nagpakasal kami

Jaclyn Jose, Andi Eigenmann at Philmar Alipayo

BUMUHOS muli ang luha ni Andi Eigenmann habang nagkukuwento tungkol sa biglaang pagkamatay ng pinakamamahal niyang inang si Jaclyn Jose.

Ni-reveal ng aktres na ang pagpapakasal sana nila ni Philmar Alipayo ngayong taon ang isa sa mga nais niyang iregalo sa premyadong aktres.

Baka Bet Mo: Andi Eigenmann naka-bonding ang anak ni Philmar habang nagbabakasyon sa France

Sa panayam kay Andi ng limited talk series ng GMA na “My Mother, My Story” hosted by Boy Abunda, naka-schedule na raw talaga ang pagpunta ni Jaclyn sa Siargao para sa kasal nila ni Philmar.


Looking forward na nga raw dito ang Cannes Film Festival Best Actress dahil finally ay makakapag-relax at makaka-bonding na niya ang kanyang mga apo.

“I wish all the times that she said next time na siya magsa-Siargao, I wish I just picked her up and just, like, forced her.

“Of course, I have those regrets, but I find peace knowing that she always assured us na, ‘Okay lang, you’re doing well, you’re in a good place,’” aniya.

Baka Bet Mo: Gabby may inispluk tungkol kina Jake at Philmar: Kung saan happy si Andi

At dahil nga namatay ang kanyang nanay, hindi na muna nila ito itutuloy ng fiancé na si Philmar ngayong 2024, “That was a bit heavy for me because I don’t live every day of my life thinking my mom can die tomorrow, which I don’t know if that was a mistake.

“Mali ba yon? Hindi ko alam na ganoon ang pag-iisip ko. Hindi ko ipinagdarasal o pinapangarap na mapuputol agad ang buhay ni Nanay.


“Tapos, ang dami kong inaasahan na mga pangyayari sa taon na ito that involves her. Kasi, after all, ang pagpapakasal namin ni Philmar, it’s also mostly for her.

“Kami ni Philmar, kahit hindi kami magpakasal, asawa ko na yan. Asawa na namin ang isa’t isa. Para sa akin, yun ang mahalaga. Pero alam ko na magiging masaya si Nanay kapag nagpakasal kami.

“Hindi puwedeng parang kasal ko tapos guest lang siya. No! To me, she’s my most important guest at that wedding, supposedly,” aniya pa.

Patuloy pa ni Andi, “And it’s also a big deal for me for her to come to Siargao kasi ang dami kong natutunan sa pagpunta ko sa Siargao.

“At marami akong pinapangarap na kapag siya siguro nakarating doon, gusto ko siya rin, ma-realize niya ito.

“Gusto ko makita rin niya ito. Magkaroon siya ng pagkakataon to make certain changes in herself, in her life. Na baka siya rin, kapag nagpunta ng Siargao, mangyari din yon,” sey pa ng aktres.

“Ayaw namin na to do it this year but yes, of course, we still are gonna get married. It’s just a bit sad because that’s how big… milestone in anybody’s life is to get married.

“And my dad (Mark Gil) is not around and Tita Cherie (Gil). So, parang ang hirap sa akin na isipin yon kasi ito yung mga importanteng tao sa buhay ko, unti-unti na silang nawawala.

“Tapos akala ko, nandiyan lang sila. Akala ko may oras. Lahat naman tayo, yun ang iisipin, di ba? Hindi natin malalaman kung kailan matatapos.

“For me, the biggest lesson for me is to learn how to make the people you love feel it, the way they want to. It’s just not about the best way you know how.

“Also, make an extra effort to make them feel it the way they want to feel it too,” aniya pa.

Read more...