Vivamax star na umaming bisexual tinangkang gahasain ng manliligaw

Vivamax star na umaming bisexual tinangkang gahasain ng manliligaw

Sheila Snow, Cess Garcia, Direk Carlo Alvarez at ang iba pang bida sa ‘Linya’

Trigger Warning: Pagbanggit sa salitang ‘gahasain’

SAKTUNG-SAKTO sa selebrasyon ng Pride Month ngayong June ang pag-amin ng dalawang Vivamax stars na sina Cess Garcia at Sheila Snow bilang bisexual.

Nangyari ito sa naganap na mediacon para sa bago nilang pelikula, ang Vivamax Original na “Linya” mula sa direksyon ni Carlo Alvarez.

Natanong kasi sila kung ano ang mas madali para sa kanila, ang makipag-sex scene sa lalaki o sa kapwa babae. Dito na nga nila ni-reveal na mas okay sa kanila ang love scene with another girl.

Baka Bet Mo: Juday nagka-trauma sa matinding snow, pero handa nang harapin ang kinatatakutan sa gagawing horror movie

Sey ni Cess, hindi siya masyadong tinatalaban sa mga guys at mas enjoy at mas feeling safe siyang kahalikan at ka-love scene ang babae.


Naikuwento rin ni Cess na sa edad niyang 20 ay nakadalawang dyowa na siyang lesbian at never pa siyang nakipagrasyon sa lalaki pero meron naman daw mga nanliligaw sa kanyang mga guys.

Medyo na-trauma na rin daw siya sa lalaki dahil yung isang nanligaw sa kanya ay pinagtangkaan daw siyang gahasain. Sa ngayon daw ay single na single siya.

Sa part naman ni Shiela Snow, nagkadyowa na raw siya ng lalaki at girlalu. Pero aniya, mas gusto pa rin daw niya ang boys pero kung mai-in love siya sa kapwa babae ay wala ring issue sa kanya.

Samantala, ipinagmalaki naman ni Cess na ginalingan daw talaga niya sa kanyang mga drama scenes sa “Linya”, “Sobrang na-excite ako sa part na drama.

Baka Bet Mo: Estudyanteng nagtapos sa junior high sinabitan ng medal ang amang construction worker: Simpleng gesture ko lang po iyon

“Nag-enjoy ako sa mga eksena namin ni Sheila sa Linya. Lalo na yung may sinabihan kaming sabaw!” ang natawang kwento ng sexy star na malaki ang pagkakahawig kay Alex Gonzaga na may anggulo ring Barbie Forteza sa personal.


Iikot ang kuwento ng “Linya” sa buhay ni Gia, isang college dropout na nagtatrabaho ngayon sa coffee shop.

Hindi maikakaila ang nakaaakit na ganda at ka-sexyhan ni Gia, kaya maraming nagkakagusto sa kanya, isa na rito si Cris (Anthony Davao), isang malapit na katrabaho.

Mayroon silang sexual relationship ni Cris at may nararamdaman din sila para sa isa’t isa.  Nasa isang nakakasakal na relasyon din si Gia, sa isang government official na si Councilor Aries Guevarra (Chester Grecia), ang kanyang sugar daddy.

Isang gabi matapos ang nakakapagod na trabaho, magkakayayaan ang mga empleyado ng coffee shop na uminom at mag-night out.

Dahil sa kalasingan, matutukso sina Cris at Gia sa isa’t isa, pero kailangan nilang maging maingat dahil maraming mata si Councilor Guevarra na nagmamasid sa kanila.

Tila lahat ng solusyon ni Gia para sa kanyang mga problema at makuha ang mga gusto niya ay ginagamitan niya ng kanyang sex appeal, at araw-araw ay mas gumagaling siya sa paggawa nito.

Panoorin ang “Linya”, streaming na ngayon sa Vivamax.

Read more...