TNT KaTropa, may mas madali at mas mabilis nang digital delivery ng TNT eSIMs

Magandang balita para sa lahat ng TNT subscribers! Maaari na kayong umorder ng embedded SIM or eSIM sa pamamagitan ng digital delivery ng TNT.

Ibig sabihin, pwedeng-pwede na kayong umorder ng TNT eSIM sa Smart Online Store at ipapadala na kaagad and inyong SIM sa pamamagitan ng QR code, na makukuha ninyo sa inyong email

Simple lang ang inyong gagawin; kapag natanggap nyo na ang inyong TNT eSIMs sa inyong email, kailangan nyo lang i-scan ang naka-assign na QR code at i-register ito para mai-activate agad ang inyong eSIM.  Pagkatapos, maaari nyo nang magamit ang SIM para pantawag, pang-text, at ang inyong data sa pag-update ng inyong social media networks, gaming, at iba pa. Tandaan, maliban sa abot-kaya ang offers ng TNT, ito ay pinapagana ng Smart mobile network. 

Ang Smart Online Store ay makikita sa kahit anong mobile o web browser, kaya hindi n’yo na kailangang mag-download at mag-log in sa iba pang app para lang maka-order ng eSIM. Tumatanggap ito ng iba’t-ibang cashless transactions tulad ng Maya, GCash, SPay, DragonPay, at iba pa.

‘Simulan ang Saya’ kasama ang TNT eSIM

 “Ginagawa naming mas madali ang paglipat sa eSIM para sa lahat ng TNT KaTropa, kasabay ng aming mga abot-kayang produkto at serbisyo. Ngayong nandito na ang digital delivery, ang lahat ng subscribers ay maaari nang mag-enjoy nang labis sa eSIM technology na suportado ng superior network ng Smart,” ayon kay Lloyd R. Manaloto, Head of Prepaid ng Smart.

“Sa paggamit ng eSIMs, ang mga TNT subscribers ay maaari nang magpalit ng network nang mas madali at hassle-free, dahil hindi na nila kailangang bumili pa ng mismong SIM card. Dahil dito magiging mas simple at walang kahirap-hirap ang pag-manage ng mobile connectivity,” ani Jerome Y. Almirante, VP and Head of Innovations and Digital Services ng Smart. 

Ang Prepaid eSIM ng TNT ay nagkakahalaga ng Php89 lamang, at may kalakip na itong hanggang 21 GB ng FREE data, 10 minutong All-Net Calls at 100 All-Net Texts, upang mas madali na para sa TNT eSIMs users ang kumunekta online at makipag-usap sa kanilang mga mahal sa buhay. 

Maaari rin nilang ma-enjoy ang mg bagong offer ng TNT, tulad na lamang ng kalulunsad lang na TNT TikTok Saya 50 promo, na may kasamang Unli TikTok at 3 GB open access data para sa mga nais nilang apps o sites, at mayroon pang Unli Texts to All Networks, na maaaring gamitin hanggang tatlong araw sa halagang Php50 lang. 

Ang bagong TNT eSIM ay angkop sa kahit anong handsets gaya ng Apple, Google, Huawei, and Samsung, at iba pang brand ng device. At dahil wala na itong mismong SIM card, ang mga TNT eSIM subscribers ay hindi na kailangang mag-alala kung ano ang ilalagay sa SIM slot ng kanilang cell phone, at mababawasan na rin ang takot na baka mawala o masira ang kanilang physical SIM.

Maari din nilang ma-enjoy ang multiple lines kahit na ang cell phone nila ay may iisang SIM slot lamang.  Dahil sa eSIM, mas madali na para sa kanila ang magpalipat-lipat ng kanilang mga account o SIM profiles sa kanilang mga telepono.

Sa likod TNT ay ang Smart, ang mobile network na laging pinararangalan, at kamakailan lang at kinilala ng mga network analytics ng Opensignal bilang Philippines’ Best 5G Coverage Experience.  Para malaman ang marami pang offers ng TNT, bisitahin ang kanilang website: https://tntph.com/, at i-follow ang @tntph sa Facebook, IG, X, and TikTok.

 ADVT.

Read more...