Paulo Avelino ‘minukbang’ si Kim Chiu: I hope she felt safe with me

Paulo Avelio 'minukbang' si Kim Chiu: I hope she felt safe with me

Paulo Avelino at Kim Chiu

HINDI masasanay ever ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino sa paggawa ng love scene at halikan sa harap ng mga camera.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-get over ang mga KimPau fans sa viral at trending love scene nila ni Kim Chiu sa isang episode ng kanilang serye na “What’s Wrong with Secretary Kim?”

Talagang pinag-usapan at pinagpiyestahan ang bed scene ng rumored couple pagkatapos umere ang naturang episode at halos lahat ay nagsabing natural na natural at makatotohanan ang kanilang akting sa kama.

Baka Bet Mo: Janine sa panliligaw ni Paulo: Dapat siya ang tanungin n’yo, alangan namang ako pa ang sumagot, e ako yung girl

Inamin ni Kim na hindi biro ang mga ginawa nila ni Paulo sa “What’s Wrong with Secretary Kim”, “Mahirap siya, ‘yun na yata ang pinaka-intense kong ginawa for my entire career.”


Pero talagang itinodo na raw niya ang energy sa naturang eksena, “Ang tagal na rin namin sa industriya ni Paulo so ayaw na magka-burden pa ‘yung set or anybody, we just did what we have to do. Kami as actors ‘yun ang gagawin namin.”

Sa panayam ng ABS-CBN kay Pau, sinabi nitong sinunod nila ang lahat ng utos at instruction ng kanilang direktor na si Chad Vidanes.

“We followed the directions of our director. Medyo awkward at first pero we rehearsed the moments, kung paano ‘yung blocking namin and I think nagawa naman namin,” pahayag ni Paulo.

Baka Bet Mo: Paulo may gustung-gusto sa personality ni Janine: What I like about her is ‘yung madali siyang patawanin

Sabi nga ng aktor, hindi siya masasanay sa paggawa ng intimate scene sa teleserye at pelikula dahil mahirap talagang sumabak sa love scene at kissing scene.


“I always feel awkward sa mga ganyang eksena, so I try to make the environment as comfortable and as safe a possible,” sey pa ng Kapamilya leading man.

“Matagal na rin sa industriya si Kim, pero I think never naman nasasanay ‘yung mga actors natin sa mga ganu’ng klaseng eksena. But I hope she felt safe and I hope she was comfortable with me,” aniya pa.

Ano naman ang reaksyon niya sa mga comments ng manonood na parang effortless naman ang mga intimate scenes nila ni Kim na nagpakilig nang bonggang-bongga sa kanilang fans.

“’Yun talaga ang magic ng cinema or ng acting. ‘Yun ang biggest hurdle para sa akin, kung paano namin gagawin as natural as possible ‘yung mga eksena,” sey ni Pau.

E, ano naman ang sey niya sa mga nagkomento na “minukbang” niya si Kim, “Sinusundan lang naman namin ‘yung original na actors in the scene.

“I’m not sure if mas marami ‘yung nandu’n, pero ayun sinusundan lang namin kung ano yung nasa script and our director,” aniya pa.

Read more...