NGAYONG araw, June 10, ang first day ng OPM icon at Jukebox Queen na si Imelda Papin bilang acting member ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Si Imelda ang napili ni Pangulong Bongbong Marcos para umupo bilang isa sa mga Board of Directors ng PCSO at itinuturing ito ng veteran singer at producer na isa sa biggest blessings na natanggap niya sa kanyang buhay.
Nitong nagdaang Saturday, nakachikahan ng ilang members ng entertainment media ang OPM legend at masaya nga niyang ibinalita ang bago niyang role sa PCSO.
Baka Bet Mo: Ruffa Gutierrez gaganap nga ba bilang Imelda Marcos sa ‘Maid in Malacañang’?
“Blessing ‘yan sa akin. Kapag may dumarating na blessing, huwag mong tanggihan para ipakita mo ang puso mo.
“Siguro inisip ni Presidente na kaya kong gampanan ang position. I’ve been doing this. Kahit noon pa, talagang gusto kong tumulong sa ating mga kababayan. Since naging bise gobernador ako, ‘yun na talaga ang aking ginagawa,” pahayag ni Imelda.
Naging emosyonal nga siya nang makatanggap ng tawag at sabihang mapapasama na siya sa mga direktor ng nasabing ahensiya.
“Natuwa ako. Napaiyak ako. Sabi ko, ‘Thank you, Lord. What a blessing.’ Maipagpapatuloy ko ‘yung pagtulong sa mga nangangailangan ng tulong. This is my payback time,” sabi pa ni Imelda.
Ano nga ba ang magiging trabaho niya sa PCSO, “Lima kaming directors diyan including the chairman and general manager.
“Lahat ng programs na ilalabas namin, dumadaan lahat sa approval ng board. I will know almost everything when I start working on Monday. Mag-oopisina ako pero not necessarily everyday nandu’n.
“Sa Monday, I was told by the GM and chairman, na i-introduce na nila ako sa employees para official na. Sama-sama na kami,” chika pa niya.
Baka Bet Mo: Bettor na 20 beses nanalo sa lotto sa loob ng 1 buwan buking ni Tulfo
In fairness, pak na pak ang unang project ni Imelda sa PCSO, ang “Isang Linggong Serbisyo” na hango sa hit classic niyang “Isang Linggong Pag-Ibig” na personal pa niyang ipinitch kay Pangulong Bongbong.
“Ang priority ko talaga ay medical assistance kasi ito naman talaga ang mandato ng PCSO. Kaya nga I have this program na ‘Isang Linggong Serbisyo’ na na-mention ko sa President and okay siya and masaya siya,” aniya.
“Kahit Sabado at Linggo, we will probably put up a call center or line para matugunan agad ‘yung mga tao basta complete ‘yung requirements nila.
“Kailangan mailabas agad ‘yung tulong kasi nakakaawa ‘yung mga taong nakapila, naghihintay. I bring this up to the board,” dugtong pa niya.
Pagpapatuloy pa niya, “Ako ay nasanay na sa pagtulong dahil ang papa ko noon ay nasa politics for 20 years. Nakita ng dalawang mata ko ‘yun. Marami na akong natulungan.
“When I became na vice governor for 9 years, ako ay lumalabas talaga para tumulong. I had my feeding program which I fed more than 500,000 children, mga housing projects, scholarship programs. Masaya ako kapag may napapangiti akong tao,” saad pa niya.
May mensahe naman ang beteranang singer sa lahat ng kumukuwestiyon sa pagkatalaga sa kanya sa PCSO, “Okay lang ‘yun. Unang-una, ‘yung binigay sa akin ng tiwala ng Pangulo, hindi naman siguro ibibigay sa akin ‘yan kung hindi ko deserve ‘yan.
“Malakas ang loob ko. I face anyone. Sanay na sanay ako sa intriga sa showbiz. I always give my smile sa criticisms,” aniya.