Imelda Papin ipinagtanggol ng anak na beauty queen: This is bullying!
INAKUSAHAN ng anak ni Imelda Papin ng pambu-bully ang lahat ng bashers ng kanyang ina matapos lumabas ang music video ng COVID-19 song na “Iisang Dagat.”
Sunud-sunod ang tweet ng Noble Queen of the Universe-International titelholder na si Maffi Papi Carrion para ipagtanggol ang kanyang nanay laban sa mga netizens na kung anu-anong masasakit na salita ang ibinabato sa OPM icon.
Ipinagdiinan ni Maffi na walang masamang intensiyon si Imelda at unfair na tawagin siyang traydor at iba pang malilisyosong salita nang dahil lang sa isang music video na tumatalakay sa “unity, solidarity and healing” sa panahon ng health crisis.
Mas maraming bumatikos sa vice governor ng Camarines Sur at nakasama pa sa top trending list sa Twitter Philippines nang lumabas ang music video ng “Iisang Dagat” na isinulat mismo ni Chinese Ambassador Huang Xilian. Libu-libong dislikes din ang natanggap nito sa YouTube kung saan puro negatibo rin ang comments.
Unang mensahe ng anak ni Imelda sa Twitter, “I cannot be more disgusted by Filipinos reacting to a song by my Mom based on unity which is the only intention of my Mom! This is for covid. Nothing more nothing less!”
Aniya pa, “This is a time of crisis! Be thankful for blessings and not shout out hate! The Philippines is God’s country. Iisang dagat, one sea. Meaning as a human race we live as one, we fight as one and we survive as one!”
Dito na nga niya nasabi na “the biggest form of bullying” ang ginagawa sa kanyang ina ng mga bashers, “The filipinos that are violently reacting to my Moms Imelda Papin song breaks my heart! This is about healing.
“To our bashers may God touch all of you and let you realize your actions! And go Bash! I guess this is what the pandemic is teaching all of you to be cruel! Instead of spreading love! #weforgiveyou,” mensahe pa ng beauty queen.
Narito naman ang ilang bahagi ng depensa ni Imelda Papin, “Hayaan natin sila ipagdasal ko na lang. Kasi hindi naman ako nag presenta. Ako mismo ang kinuha, at ang message ng song, it’s all about unity, pagtutulungan at pag asa.
“Dapat huwag bigyan ng kulay. Kasi mababa ang moral ng tao ngayon. Dapat sa pamamagitan ng boses ko ay tumaas mang moral ng ibang tao at makapagbigay-inspirasyon na ngayon ang panahon na dapat magkaisa wala na munang away.
“Ang title ‘Iisang Dagat’ para ding isang mundo yan. Bakit i-criticize ang participation ko.
“I pray for everyone and as Filipinos let us all pray together and healed as one! Hindi ako sumingil kahit isang centavo. For love and unity,” sabi pa ng singer-politician sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.