Coleen ilang beses muntik sukuan si Billy: Pero hindi siya pumapayag

Coleen ilang beses muntik sukuan si Billy: Pero hindi siya pumapayag

Billy Crawford at Coleen Garcia kasama ang anak nilang si Amari

AMINADO ang aktres na si Coleen Garcia na siya ang madalas sumusuko sa relasyon at pagsasama nila ni Billy Crawford bilang mag-asawa.

May mga pagkakataon daw na sinasabi niya sa kanyang mister na parang gusto na niyang bumitiw pero palaging kumokontra si Billy.

Baka Bet Mo: Coleen Garcia gigil mode sa bashers: ‘Lalaitin niyo kami, talaga?!’

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, muling ipinagdiinan ni Coleen ang chikang hiwalay na sila ni Billy at nagsasama na lang daw para sa kapakanan ng anak nilang si Amari.


“Hindi, hindi talaga. Never kaming nag-break,” ang pahayag ni Coleen kay Tito Boy sa “Fast Talk” last Friday, June 6.

Kasunod nga nito, nabanggit niyang
Kasunod ng paglilinaw ni Coleen na siya ang madalas sumusuko sa kanilang relasyon dahil sa ilang personal na kadahilanan.

“There were a lot of instances na parang almost pero not really, kasi hindi siya pumapayag. Hindi talaga. Sabi niya, ‘No, we will fix this.’

“Ipinaglalaban niya talaga always yung relationship.

Baka Bet Mo: Coleen Garcia, Billy Crawford 9 years nang nagpapalitan ng ‘I love you’, may pakilig message para sa isa’t isa

“And I am thankful for that kasi most of the times na gumi-give up ako, it’s not because may nagawa siya, pero dahil napapagod ako.

“I think ganoon lang kasi talaga ako. Ganoon ako, ayoko na. Ayoko na. Tapos na ako. Parang, palagi akong ganoon,” ang pagbabahagi pa ng aktres at celebrity mom.


Patuloy niya, “So it took being with somebody who’s the opposite na who taught me the value of commitment. And nadadala ko siya everywhere in my job and everywhere.

“So, nagpapasalamat talaga ako kay Billy because being married to him really taught me how to be more committed, not just in my marriage but in everything—other relationships, work.

“Yung kapag nandiyan ka na, hindi! Ituloy mo. Kailangan panindigan mo and you give your best.

“Kapag naibigay mo na yung best mo at wala pa rin nagbabago, du’n ka na mag-give up.

“Pero sa amin kasi, he really makes such an effort to always fix what’s wrong,” sey pa ni Coleen na bida  uli sa suspense-thriller na “Playtime” under Viva Films and GMA Pictures.

Samantala, umay na umay na ang aktres sa isyu tungkol sa kalusugan ni Billy na umano’y itinatago raw sa publiko ang tunay niyang karamdaman. Ilang beses nang nilinaw ni Coleen na walang sakit ang aktor at singer.

“Paulit-ulit na kasi. Parang we have addressed it so many times to the point na siyempre, nakakapikon na for him, kasi how do you change the way you look?

“Whatever he looks like right now, it’s honestly… it’s not an unhealthy thing. I would say this, every month, nasa France siya. Every single month. Pumupunta siya.

“At yung trabaho niya du’n, hindi hosting. Nagpe-perform talaga siya sa music festivals.

“Hindi lang nakakaabot dito kasi hindi siya masyadong nagse-share sa social media, pero he performs talaga almost every day that he’s there in France. Talagang papayat siya,” muling paglilinaw ni Coleen.

Read more...