Alfred nanalong best actor sa FAMAS dahil kina Nora, Jaclyn at Gina

Alfred nanalong best actor sa FAMAS dahil kina Nora, Jaclyn at Gina

Alfred Vargas, Gina Alajar, Nora Aunor at Jaclyn Jose

NANINIWALA ang aktor at public servant na si Alfred Vargas na nanalo siyang best actor sa FAMAS 2024 nang dahil sa tatlong movie icon na kasama niya sa “Pieta.”

Nabigyan daw niya ng hustisya ang karakter niya sa naturang pelikula nang dahil sa paggabay at suporta sa kanya ng Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor.

Bukod kay Ate Guy, napakalaki rin daw ng nagawa ng mga award-winning actress na si Gina Alajar at ng yumaong Cannes Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose.

Baka Bet Mo: Matagal nang pangarap ni Alfred Vargas tinupad nina Ate Guy, Gina at Jaclyn: ‘Thank you, Lord!’

Napakarami raw niyang natutunan sa tatlong premyadong aktres habang ginagawa nila ang pelikulang “Pieta” na siya rin ang nag-produce mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr..


Feeling ni Councilor Alfred, ang tatlong aktres ang dahilan kung bakit siya nanalo bilang pinakamahusay na lead actor sa FAMAS dahil nakakahawa raw talaga ang galing ng mga ito pagdating sa aktingan.

Sabi pa ni Konsi Alfred, hindi raw siya nakatulog pagkatapos ng awards night noong May 26 at ilang gabi rin niyang katabi sa pagtulog ang kanyang Best Actor trophy.

Baka Bet Mo: Alfred na-shock sa biglang pagkamatay ni Jaclyn: Tumindig ang balahibo ko!

Samantala, ibinalita rin ng aktor na hindi pa mapapanood sa anumang streaming platform ang kanilang pelikula, “Pieta will be shown exclusively in SM cinemas.

“We will tour the movie through exclusive screenings. As of now, we have fully booked screenings across the country. In one of the screenings, Nora Aunor will be there.


“Late June talaga ang special screening with Ate Guy. Tribute rin ito sa pagiging artist niya. July onwards start na ng tour for ‘Pieta’,” sabi pa ni Konsi Alfred sa naganap na thanksgiving presscon niya last Thursday.

Nauna rito, ibinalita na rin namin ang ginawang paglilinaw ni Alfred sa tsismis na binili niya ang kanyang award, na  sinang-ayunan din ng kanyang manager na si Manay Lolit Solis.

Fake news daw ito kasabay ng pagsasabing, pinaghirapan at pinagtrabahuan niya ang lahat ng ginawa niya sa “Pieta.”

Hirit naman ni Manay Lolit, “Hindi bayad ang award ni Alfred. Hindi ko yun in-scam!”

Read more...