Alfred pinaghirapan ang FAMAS award, hirit ni Lolit: Hindi ko in-scam!

Alfred pinaghirapan ang FAMAS award, hirit ni Lolit: Hindi ko in-scam!

Lolit Solis, Christopher de Leon at Alfred Vargas

PINAGHIRAPAN at pinagtrabahuan nang bonggang-bongga ni Alfred Vargas ang pelikulang “Pieta” kung saan siya nagwagi bilang Best Actor sa FAMAS Awards 2024.

Yan ang mariing pahayag ng aktor at public servant sa kanyang pa-thanksgiving para sa mga miyembro ng showbiz press kahapon, June 6.

Iniintriga kasi ng ilang detractors ni Quezon City Councilor Alfred ang pagkapanalo niya sa FAMAS kung saan naka-tie niya si Piolo Pascual sa pagka-best actor. Kesyo binili lang daw nila ang naturang award o malakas ang koneksyon niya sa mga organizers.

Baka Bet Mo: Kim Chiu pinaghirapan nang bonggang-bongga ang pagpapatayo ng vacation house: ‘Isa talaga ‘yan sa mga pangarap ko’

Depensa ng premyadong aktor, never siyang bumili ng award at fake news daw ang ipinakakalat ng ilang tao sa social media.


“Mabigat itong trophy na to (sabay hawak sa natanggap na trope), and every inch, every gram nito pinaghirapan natin, kaya proud na proud po tayo,” pagtatanggol ng public servant sa napanalunang award.

Nag-react din ang manager ni Alfred na si Manay Lolit Solis sa paninira sa kanyang alaga, “Hindi ko binili ‘yun, ‘no! At hindi ko ini-scam. Nanalo siya on his own!”

Naging kontrobersyal kasi ang katatapos lang na awards night ng FAMAS, kaya nadadamay at naiintriga ang mga winners kahit pa deserving namang manalo ang ilan sa kanila.

Patuloy pa ni Manay Lolit. “In fairness ha, wala akong naririnig, ‘yung mga kapwa niya artista, walang reaksyon na negative. Kahit si Boyet (Christopher de Leon), bilin niya sa akin, sabihin mo kay Alfred ha, congratulations.

Baka Bet Mo: Chito jackpot kay Neri: Pinaghirapan ko lahat kung bakit ko siya napasagot at kung bakit niya ako pinakasalan

“Kanino pa ba ko maniniwala kundi kay Boyet. Ang dami-daming awards ni Boyet, ‘di ba? So siguro, ‘yung mga bitter, siguro ‘yun ang talagang bitter lang sa life nila.


“Wala naman akong naririnig. Kasi, ‘di ba, kapag sa sarili mo ng grupo, nakarinig ka ng question na bakit siya nanalo? Du’n ka na magduda. Pero, wala akong narinig sa kanya. Kung meron akong narinig, siguro magre-react ako, pero wala, e,” paliwanag pa ng talent manager.

Natanong din si Manay Lolit kung ano ang masasabi niya sa mga taong nagko-connect pa rin sa kanya sa mga isyu ng FAMAS sa ginawa niya noon sa 1994 Manila Film Festival (MFF) scam.

“Ay hindi, ‘no! ‘Wag na nilang ikonek-konek sa akin dahil kung gusto kong scammin, na-scam ko ‘yan!” reaksyon ni Manay.

“Alam n’yo magmula nu’ng ginawa ko ‘yung scam, hindi na ako um-attend ng awards night. After nu’n, hindi na,” dugtong ng manager ni Alfred.

Read more...