Rufa Mae ibinebenta ang condo sa Makati sa halagang P45.5-M

Rufa Mae ibinebenta ang condo sa Makati sa halagang P45.5-M

Rufa Mae Quinto

IBINIBENTA na ng komedyanang si Rufa Mae Quinto ang condominium unit niya sa Makati City sa halagang P45.5 million.

Ipinost ng aktres ang video ng kabuuan ng kanyang unit na aabot sa 146 square meters kaya pala ganito kamahal at nasa Makati area pa.

Baka Bet Mo: Kiray, Stephan sumugod sa Traslacion: Walang imposible! Viva, Nazareno!

Ang post ng aktres, “For Rent, For Sale my condominium in Makati. DM me if interested.

“THE GREENBELT AT RESIDENCES. Rent 150,000.00 monthly including dues 1 year rent no short term.

“For sale 45.5 M.

“The Residences at Greenbelt, San lorenzo tower, 1 bedroom loft w/ balcony, 2 floors, 146sqm total floor area (including 2 car parking), Furnished, 1 t&b, 1 powder room, 1 Quarters w/ t&b.”


Ang daming nag-like sa post na ito ni Rufa Mae at iisa ang tanong kung HM o how much kahit na nakalagay na sa post ang lahat ng detalye.

May netizen na nagkomento, “$ 910,000. Not worth it. I would rather buy a house in California worth like. That’s the price of a 3000sq feet 4br 2.5 bath in the more expensive area in California. No offense po.”

Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach napa-senti mode sa binebentang condo: For 3 years, it has given me a space to be myself

Ipinagtanggol naman ng isa pang netizen ang aktres, sabi ni @lolamary8888, “@its_lmd well thatscin Ayala and specifically in Greenbelt, do u know much is the cost per sqm in that area.

“@its_lmd only those who are filthy rich can buy it, I’m sure you don’t have 45.5M in your bank account right now,” sabi pa niya.

Komento naman ni @ej_herrera, “@lanzderic usually ‘yung mga nagtatanong ng ganyan sa comment hindi naman talaga bibili or magrerenta.”

As usual ang tanong, bakit ibinebenta na ni Rufa Mae ang property niya na nasa prime area pa, mag-downgrade na kaya siya ng bahay o babalik na siya ng Amerika for good?

Read more...