Sid Lucero nanuntok ng lalaking gustong magpa-selfie: His eyeball burst!

Sid Lucero nanuntok ng lalaking gustong magpa-selfie: His eyeball burst!

Sid Lucero, Paolo Paraiso, Krista Miller at Rhen Escaño

Trigger Warning: Violence

NALOKA ang lahat ng nasa presscon ng upcoming movie ng Viva Films at Happy Infinite na “Karma” sa mga naging pasabog na rebelasyon ni Sid Lucero.

Napag-usapan kasi ang tungkol sa anger management sa isang bahagi ng mediacon na ginanap kanina sa Viva Cafe sa Cubao, Quezon City.

Inamin ni Sid na matindi talaga siyang magalit noon at napakabilis uminit ng kanyang ulo kaya napakarami niyang kinasangkutang gulo.

Baka Bet Mo: Sid Lucero nasaktan sa ginawang ‘orgy scene’ sa ‘Virgin Forest’ ni Brillante Mendoza

Aniya, hirap na hirap siyang kontrolin ang sarili kapag nagagalit kaya napakarami niyang nasaktang tao na kung minsan ay umaabot pa sa basang-ulo.

Ilan daw sa mga hindi niya malilimutang insidente ng pagwawala ay kapag nag-aaway sila ng kanyang mga naging girlfriend. Mula sa pagbubutas ng gulong ng mga sasakyan hanggang sa pananapak ng taong nais lang magpa-picture sa kanya.


“Anger management? My God, where do we start? I had a really, really bad temper. It’s really bad, like, I went to anger management,” simulang pag-amin ni Sid.

“I’ve hurt people. If I had a fight, let’s say with my girlfriend, I get a puncher, every car from my car to…butas lahat ng tires.

“Hindi ko naman siya masaksak kaya sa kotse na lang lahat. Seryoso, it was really bad,” ang pahayag ng aktor.

Patuloy pa niya, “There was this one time, I was having a fight with my girlfriend and I needed to pee, so I went to gas station and peed.

Baka Bet Mo: Pokwang nanggigil sa basher na nagsabing karma ang paghihiwalay nila ng dyowa: Bakit may pinatay ba ako? G*ga ka!?

“And then this guy goes, ‘Puwedeng pa-picture?’ I punched him so hard, his eyeball burst. It was really bad so I went to anger management.

“And then I found out, it wasn’t really anger management, it was just taking too much substances,” ang pagpapakatotoo pang sabi ni Sid.

Nangyari raw ito 15 years ago, at nakulong daw siya noon ng isang araw at buti na lang daw pumayag yung guy na magkaroon ng settlement.


Ngayon daw ay malaki na ang kanyang ipinagbago, lalo na nang magkaroon na siya ng sariling pamilya, “And then you grow up, and then you realized that the world is bigger than yourself and your own ego.

“But anyway, I learned to handle everything better. I think my ego was the biggest problem. I was angry about everything.

“And I didn’t like stupidity. Stupidity pisses me off. Then you learn to take a break and step back.

“And like I said kanina, you learn that the world is bigger than yourself, your daughter is born, you realized that every action that you make is going to ripple down generations.

“Now, I can say I think I’m okay ‘coz I’m getting jobs and people love me,” pahayag ni Sid.

Pagkatapos maglitanya ng aktor, nagsalita naman ang lead star ng pelikulang “Karma” na si Rhen Escaño at pinatotohanan niya ang malaking pagbabago sa ugali ni Sid.

Magkasama rin kasi ang dalawa ngayon sa TV5 series na “Lumuhod Ka Sa Lupa” na pinagbibidahan nina Kiko Estrada at Sarah Lahbati.

“Gusto ko lang dagdagan yung sinabi ni Sid. Gusto ko pong itsismis sa lahat ng mga tao na nandito, si Sid po ngayon, kung nasaaan man siya ngayon ng state ng buhay niya, ito po yung pinakamaaliwalas niya, pinakamagaan, as in parang may something na ang aliwalas.

“Akala ko sinasaltik siya or pumipitik siya sa set, hindi po. Hindi na siya ganoon ngayon. May ray of light,” sey pa ni Rhen patungkol sa kanyang co-star sa “Karma.”

Anyway, showing na sa mga sinehan ang action-drama-thriller na “Karma” mula sa direksyon ni Albert Langitan. Ka-join din sa movie sina Roi Vinzon, Krista Miller, Paolo Paraiso, Leandro Baldemor at Mon Confiado.

Mula sa Viva Films at Happy Infinite, ipalalabas na ang “Karma” sa mga sinehan simula June 19.

Read more...