Neri nag-flex ng na-harvest na gulay, calamansi ginagamit pampaganda

Neri nag-flex ng na-harvest na gulay, calamansi ginagamit pampaganda

Neri Miranda at ang mga naaning gulay

IBINIDA ng dating aktres at negosyante na si Neri Miranda ang na-harvest niyang sandamakmak na calamansi sa farm nila ng asawang si Chito Miranda.

Nag-share ng ilang litrato ang celebrity mom sa kanyang Instagram account ng mga inani niyang iba’t ibang gulay para mailuto at maihain sa kanyang pamilya.

May ibinahagi rin siyang tips kung paano gagamitin ang calamansi hindi lang sa pagpi-prepare at pagluluto ng ulam kundi bilang natural ding pampaganda ng kutis.

Baka Bet Mo: Andrew E naloka sa presyo ng pagkain sa South Korea: Egg lang at konting gulay!

Sabi ng wifey ni Chito sa caption ng kanyang IG post, “Si Neri bilang mangkakalamansi! Nakapagharvest din sa wakas kahit papaano ng kalamansi! Hehe!


“Marami raming kalamansi juice din to! Lagyan ng honey! Solb na! Lalo na at biglang nag uulan at uso ang ubo at sipon.

“Maraming benefits ang kalamansi! Vit C and Vit A, antioxidant, nakakababa ng timbang, at marami pang iba.

“Pero alam nyo ba na pwede rin gawing scrub sa balat to at nakaka smooth ng balat??” pagbabahagi ni Neri.

Patuloy pa niya, “Natutunan ko to sa teacher ko nung 1st year high school sa St James Subic, si Ma’am Dacena! Haha!

Baka Bet Mo: Kaya bang tumira ni Bea sa farm kapag wala na siya sa showbiz?

“Ang ganda kase ng balat nya tapos tinuro nya sa amin na bago raw sya maligo, nagpapahid sya ng baby oil muna all over her body tapos scrub nya ng kalamansi.. papatuyuin nya konti tapos scrub mo na!


“Makikita mo talaga mga libag at dry skin mo na natatanggal isa isa. ayun ang pinaka scrub ko talaga growing up, hehe! Palagi namang may baby oil at kalamansi sa bahay ko kayang kaya sa bulsa,” advice pa niya.

Sa isang hiwalay na Instagram post, nag-flex din ang tinaguriang wais na misis ng mga na-harvest niyang gulay sa malawak na bakuran ng kanilang bahay.

“Kalamansi, sili, talong, kamatis, okra, at sili galing sa aming garden. Saka na lang ako ulit mag alaga ng baboy at para talagang farm to table lahat ng inihahain ko sa pamilya namin.

“Pwede na magpakbet, dagdagan na lang ng ampalaya. O kaya mag bbq! Babad sa kalamansi juice, toyo, sugar, ketchup at konting Sprite. Pwede rin sinigang!

“O di kaya naman binagoongan! Sarap nun! Tamang tama, ang daming mangga na binigay ng kapitbahay namin, hehe! Or simpleng pritong liempo, tapos pritong talong saka nilagang okra!

“Naku! Napakasaraaaaaaaap! Mapapadami ka talaga ng kanin! Buti na lang, marami pa kaming bigas galing sa ani last year!

“Wala pala akong tanim na ampalaya! Makapagtanim nga. Ano pa ba ang dapat itanim?” ang buong caption ni Neri sa kanyang post.

Ang masasabi ko lang, sana all may farm sa bakuran! Ha-hahahaha!

Read more...