Eddie Garcia itinuturing na bayani ng mga taga-showbiz industry

Eddie Garcia itinuturing na bayani ng mga taga-showbiz industry

Eddie Garcia

BAYANI kung ituring ngayon ng mga taga-entertaiment industry ang yumaong veteran actor at movie icon na si Eddie Garcia.

Hindi raw kasi nawalan ng saysay ang kanyang pagkamatay noong June 20, 2019 matapos pirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Eddie Garcia Law o Republic Act 11996.

Ito’y magbibigay proteksyon sa mga Filipino workers sa telebisyon at pelikula na isinulong at ipinaglaban ng kanyang stepson, ang i-PACMAN party-list representative na si Michael Romero, anak ng longtime partner ni Manoy Eddie na si Lilibeth Romero.

Sumakabilang-buhay si Eddie matapos  maaksidente sa taping ng isang ginagawa niyang teleserye. Ilang araw siyang na-coma hanggang sa tuluyan na nga siyang mamaalam.

Baka Bet Mo: Donnalyn naiyak sa natanggap na award mula sa World Women Leadership Congress 2023: ‘I know I can do better, I have so much to improve…’

Ngunit ayon nga sa mga kasamahan niya sa showbiz industry, nasakripisyo man ang buhay ng premyadong actor-director, nagkaroon naman ng batas na nagbibigay ng proteksyon sa mga manggagawa sa telebisyon at pelikula.

Sa ilalim ng Eddie Garcia Law, itinakda ang mas malinaw na oras ng trabaho, sahod, insurance, at iba pang benepisyo ng mga taga-entertainment industry.

Nakasaad dito ang limitadong pagtatrabaho ng walong oras kada-araw na puwedeng ma-extend hanggang labing-apat (14) na oras, basta’t kada-linggo ay hindi ito lalagpas sa animnapung (60) oras sa kabuuan.


Ang mga employer naman ay may obligasyong magbigay ng proteksiyon sa bawat empleyado. Kapag napatunayang may paglabag sa mga employer,  pagmumultahin sila ng P100,000 hanggang P500,000.

Narito ang ilan pang nakasaad sa Republic Act 11996 o Eddie Garcia Law:

1. Walong oras na normal working hours kada ara`w, na maaaring ma-extend sa 12 oras. Ang mga oras ng trabaho na lampas sa fixed eight hours ay babayaran bilang overtime.

2. Ang minimum wage ng trabahador at independent contractors ay hindi dapat na bababa sa wage rate sa rehiyong pinagtatrabahuhan.

Baka Bet Mo: Liza Dino kay Robin Padilla: Congratulations kuya Senator! Sa wakas, maipapasa na ang Eddie Garcia Bill!

3. Awtomatikong covered ang empleyado ng Social Security System (SSS), Pag-IBIG Fund, at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

4. Obligasyon ng employer na ibigay ang basic necessities ng kawani, tulad ng pagkain kada anim na oras ng trabaho, sapat na inuming tubig, restrooms, pribadong dressing rooms, maaliwalas na holding areas, at libreng accommodation sa mga out-of-town tapings, shootings, at iba pang aktibidad.

5. Pagkakaroon ng occupational safety and health officer na magsasagawa ng assessment sa lugar ng trabaho, partikular kapag outdoors ang produksiyon.

6. Pagkakaroon ng service vehicles para sa anumang emergencies sa production sets.

Read more...