EXCLUSIVE: Keiko ibinunyag na may collab with Gary V: Sana mangyari na!

EXCLUSIVE: Keiko ibinunyag na may collab with Gary V: Sana mangyari na!

PHOTOS: Courtesy of Sean Jimenez, Instagram/@garyvalenciano

MAGSASAMA pala sa isang collaboration ang Indie singer-songwriter na si Keiko Necesario at ang batikang singer na si Gary Valenciano!

Ang exciting news ay chinika mismo ni Keiko sa BANDERA nang magkaroon kami ng one-on-one interview with her kasabay ng kanyang single launch event para sa bagong release na “Kahit pa anong mangyari” na ginanap kamakailan lang sa Quezon City.

Isa sa naitanong namin sa kanya ay kung sino nga ba ang gusto niyang maka-collab in the future.

Baka Bet Mo: Keiko may bagong single after 2 years, ibinandera ang promise kay mister

Ang sagot niya sa amin, “Actually, gusto ko talaga si Tito Gary V. Super, gustong-gusto ko talaga.”

“I just love his excellence and actually we went to his concert nitong last lang…and I really love the fact that he was just really –like sobrang excellent ni Tito Gary,” paliwanag ng young singer.

Ayon sa kanya, kahit anong klase ay pwedeng-pwede, maging sa pagsusulat ng kanta o kaya naman ay mag-duet sa isa niyang released songs.

“So ayun, sana mangyari. Sana mangyari na,” sambit ni Keiko na tila nakapagbigay ng clue na may upcoming project nga sila ni Gary V.

At kasunod niyan, ibinunyag na nga ni Keiko na may proyekto sana sila ng veteran singer ngunit hindi lang ito natuloy.

Wala nang idinetalye ang Indie singer, pero hoping siya na mangyari na ang plano nila ni Gary V very soon.

“Kasi actually, nagpaplano na kami before noong 2021 for it kaso may mga unforeseen circumstances. So ayun, hindi siya natuloy but sana, hopefully, matuloy na siya soon,” wika niya.

Nang tanungin naman namin siya kung matagal na ba siyang fan ng binansagang Mr. Pure Energy, pag-amin niya: “Oo! Kasi siyempre, ‘nung bata pa lang ako, ‘yun na naririnig ko sa radyo, sa OPM.”

“Lalo na mas nakilala ko pa sila, ‘yung family niya [kasi] I’m with friends with Kiana also, ‘yung anak niya,” chika pa ni Keiko.

Giit din niya, “So I just love his excellence when it comes to performing and I love it that he highlights Godin what he does, so that’s what I love about Tito Gary also.”

Samantala, mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms ang bagong single ni Keiko na pinamatagang “Kahit pa anong mangyari.”

Nauna nang naikuwento sa amin ng singer na ito ay isang promise song para sa kanyang mister na si Jem Cubil na mananatili sila sa isa’t-isa kahit anong pagsubok na haharapin nila.

Read more...