MATAPOS ang sunod-sunod na dance track, nag-release naman ng hugot song si Josh Cullen, ang isa sa mga miyembro ng Pinoy pop sensation na SB19.
Ito ang R&B track na pinamagatang “Sumaya” under Sony Music Entertainment.
Ayon sa music label, tungkol ito sa pagle-let go sa mahal sa buhay at inaalala ang masasayang memories together.
“‘Sumaya’ is about the heart-wrenching journey of accepting that it’s time to let go of someone and the memories you’ve shared,” sey ni Josh sa isang pahayag.
Chika pa niya, “It’s a song that delves into the pain and sadness of moving on while still cherishing the good times you had together.”
Baka Bet Mo: Josh Cullen game sa aktingan: ‘Gusto ko parang psycho, ‘yung medyo uncommon’
Ipinunto pa nga ng P-Pop star ang linya na: “kapag naihatid ka, di na kita susunduin.”
Paliwanag niya, “The line really captures that final, painful goodbye,” at ibinunyag na mula ito sa naging personal na karanasan nila ng co-producer and co-writer na si Kael Guerrero.
“We drew inspiration from our own life experiences and memories, which makes this song very personal and emotional for both of us,” kwento ni Josh.
Kasabay ng track, inilabas na rin ang music video ng bagong single na pinagbibidahan din mismo ni Josh.
“In the music video for Sumaya, I wake up in a house filled with the most important memories of my life, memories of someone I love deeply. As I touch these objects, they start to disintegrate, and I realize it’s because of me,” kwento niya.
Dagdag pa niya, “As I continue, I find myself shifting between reality and the void, struggling to escape the overwhelming chaos and emotions happening all at once.”
“I don’t ever want to forget these memories, yet I know I have to accept and release what I can’t control,” saad ng SB19 member.
Ang music video ay mula sa direksyon ni Josh, pati ni Jonathan Tal Placido.
Mapapakinggan na ang “Sumaya” sa lahat ng digital music platforms worldwide, habang mapapanood ang MV nito sa YouTube channel ni Josh Cullen.