Vivamax stars Angeline at Angelica mas game makipag-sex scene sa babae

Vivamax stars Angeline at Angelica mas game makipag-sex scene sa babae

Val Allen Ong, Angelica Hart, Angeline Aril at Direk Aya Topacio

MAS feeling safe and secure ang mga Vivamax bombshell na sina Angelica Hart at Angeline Aril kapag nakikipag-love scene sila sa kapwa babae kesa sa mga lalaki.

Kuwento nina Angelica at Angeline, mas nadadalian at mas kumportable silang makipaghalikan at makipagchurvahan sa kapwa girlalu sa mga pelikulang ginagawa nila.

Sa presscon ng bagong Vivamax Original Movie ng dalawang sexy stars kasama si Mia Cruz at ang palaban ding aktor pagdating sa paghuhubad na si Val Allen Ong, naikuwento nga nina Angeline at Angelica ang ginawa nilang sex scenes sa “Mahal Ko ang Mahal Mo.”

Baka Bet Mo: Nathalie Hart in-stalk sa FB ang dyowang Australian: Nakita ko lang ‘yung picture, sabi ko, ‘pwede na, try ko lang’

Sey ni Angeline, “Mas madali sa akin ang makipag-love scene sa kapwa ko babae, kumbaga kasi parang walang limitations sa amin, walang ilangan and all. Tsaka pwede n’yong gawin lahat sa harap ng camera na hindi ka makaka-feel na na-violate ka.”


Para naman kay Angelica, “Ganu’n din kay Angeline, kasi kapag guy yung kaeksena mo sa love scenes parang awkward lagi, parang kahit comfortable na kayo sa isa’t isa may ilangan pa rin kasi nasa harap kayo ng camera.

“Pero sa akin, basta professional na lang, kung ano yung instruction ng direktor, hanggang du’n lang. And I’m thankful naman din dahil wala pa namang nagte-take advantage sa akin sa mga nagawa ko nang projects,” aniya pa.

Anyway, kahit nagsisimula na nga ang tag-ulan, mas lalong mag-iinit ang panahon sa pagdating ng pinakabagong sexy-drama Vivamax Original Movie ngayong June.

Baka Bet Mo: 69 anyos na lola naka-graduate na sa kolehiyo, guro na rin gaya ng 2 anak

Dodoble ang kaseksihan at dodoble ang pang-aakit sa pagbida nina Angelica Hart at Angeline Aril sa “Mahal Ko Ang Mahal Mo,” streaming exclusively simula ngayong June 4 sa Vivamax.

Isang pelikula mula kay Aya Topacio, ang “Mahal Ko Ang Mahal Mo” ay kwento ng dalawang babaeng nagkakilala dahil sa pagmamahal nila sa iisang lalaki, pero sa huli ay sila pala ang magkakainteres sa isa’t isa.

Tatlong taon ng nagsasama si Leslie at ang kanyang happy-go-lucky na boyfriend na si Khalil. At kahit na kilala si Khalil sa pagiging babaero, hindi ito pinaniniwalaan ni Leslie at nananatiling buo ang tiwala nito sa kasintahan.


Hanggang sa isang araw nang sugurin at komprontahin ni Camille si Leslie. Pinapalayo nito si Leslie kay Khalil dahil sinisira raw nito ang relasyon nila. Doon nila mapagtutugma-tugma na matagal na silang parehas na niloloko at pinapaikot ni Khalil.

Ang parehas na galit ni Leslie at Camille kay Khalil ang magiging dahilan para magkasundo ang dalawa. Makakaisip pa sila ng plano para siraan si Khalil at ibunyag ang mga pagtataksil na ginagawa nito.

Sa paglipas ng mga linggo, mas magkakalapit sina Leslie at Camille, at isang gabi ay matatagpuan ang mga sariling naaakit sa isa’t isa.

Bibigay sila sa tukso at magiging mapusok ang mga tagpo sa pagitan nilang dalawa. Magkakaroon sila ng makamundo at komplikadong relasyon na mauuwi sa pagiging friends-with-benefits.

Ano kayang magiging reaksyon ni Khalil kapag nalaman niyang ang dalawa niyang girlfriend ay may ugnayan na at sila na ngayon nagtataksil sa kanya. Anong kahahantungan ng relasyon nina Leslie at Camille? Pang-good time lang ba ito o ang nararamdaman nila ay magiging totoo?

Panoorin ang “Mahal Ko ang Mahal Mo” sa Vivamax ngayong June 4, 2024.

Read more...