Xian Gaza may tips para hindi na umabot sa ‘divorce’

Xian Gaza may tips para hindi na umabot sa ‘divorce’, ano kaya yun?

Pauline del Rosario - June 03, 2024 - 11:31 AM

Xian Gaza may tips para hindi na umabot sa ‘divorce’, ano kaya yun?

PHOTO: Facebook/Christian Albert Gaza

“KAILANGAN munang mag-live in bago magpakasal.”

‘Yan ang naging opinyon ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza upang hindi magsisi sa huli at umabot sa diborsyo ang isang relasyon.

Sa pamamagitan ng Facebook, inilahad ni Xian ang kanyang sariling pananaw ngayong mainit na pinag-uusapan ang tungkol sa divorce bill.

Naniniwala si Xian na lubos na makikilala ang partner kung nagsama sa iisang bubong sa loob ng isang taon.

Katulad daw niya na limang buwan nang nagsasama ng kanyang fiancee.

Baka Bet Mo: Xian Gaza magreretiro na sa pagiging Pambansang Marites?

“Hindi mo makikilala yung buong pagkatao ng partner mo kung pa-date date lang kayo sa labas,” sey ng content creator.

Patuloy niya, “So kung ayaw mong masayang sa maling tao ang maraming taon ng iyong buhay kagaya ni Kim Chiu at Kathryn Bernardo, i-live in mo agad.”

“Yung 10 years na sasayangin mo ay magiging few months lang. Wala pang isang taon, break na kayo,” aniya pa.

Pinaalala rin ni Xian na dapat hindi minamadali ang pagpapakasal upang hindi mauwi sa hiwalayan sakaling hindi nagkasundo.

“Hindi dapat minamadali ang kasal kasi hindi naman yan AFam at hindi mo kailangan ng visa,” caption niya.

Saad pa niya, “Huwag ka din magpabuntis agad para hindi ka maging single mom once naghiwalay na kayo. Fresh single woman na hindi naanakan. Gumamit ng contraceptives lalo na kung hampaslupa yung lalaki.”

“Kapag sinunod mo ang mga payo na yan, hindi ka mapapahamak sa buhay. Pramis,” giit ng socmed personality.

Aniya pa, “So…Live-in muna bago kasal. Huwag munang mag-anak Huwag agad magpakasal. Para hindi mo na kailanganin ang Divorce.”

Kamakailan lang, tila inihayag ni Xian na pabor siya sa pagkakaroon ng divorce law sa ating bansa.

Heto ang naging pahayag niya:

“Divorce is not the problem.

“Divorce is the solution to the problem.

“Divorce doesn’t break marriages and families.

“Divorce fix the lives of the broken family.”

Dagdag niya, “Ayaw mo sa divorce because you are very happy with your married life? Then I’m very happy for you.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero hindi lahat ay pinalad kagaya mo. Kaya huwag mo sanang ipagkait sa iba yung batas na magbibigay sa kanila ng bagong buhay,” ani pa ng self-proclaimed Pambansang Marites.

Magugunita noong May 22 nang pumasa sa ikatlo at huling pagdinig ng Kamara ang House Bill 9349 o ang Absolute Divorce Bill matapos bumoto ng “sang-ayon” ang 126 mambabatas, habang 109 ang “nag-hindi” at at 20 naman ang nag-abstain.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending