Xian Gaza sa mga nagsasabit ng money garland sa anak: Jejemon
NAGBIGAY opinyon ang social media personality na si Xian Gaza ukol sa viral na pagsasabit ng mga msgulang ng money garland sa mga anak nilang guma-graduate sa pag-aaral.
Very timely rin ang paglalabas niya ng opinyon dahil panahon na naman ng graduation ngayon sa Pilipinas.
Sa kanyang Facebook post nitong Sabado, June 1, inihayag ni Xian na “jejemon” ang mga taong nagbibigay ng money garland tueing graduation.
“Ang mga magulang na nagsasabit ng money garland sa kaniyang anak on Graduation Day ay isang jejemon,” saad ng social media personality.
Baka Bet Mo: Xian Gaza magreretiro na sa pagiging Pambansang Marites?
View this post on Instagram
Dagdag pa ni Xian, mga nagpapnggap na mayaman lang raw ang gumagawa nito.
“Ang gagawa lang niyan ay mga squammy na nagpapanggap na mayaman. Ang anak ay bobo kaya walang ibang medalya. Dinaan na lang pera,” sey pa niya.
Sa comment section ay sinabi rin ni Xian
na hindi gawain ng mga mayayaman ang ganitong “kabaduyan”.
“Ang tunay na mayaman ay hindi gagawa ng ganiyang kabaduyan. Kapag ginawa ‘yan ng magulang mo sa’yo, hindi ka dapat matuwa, ‘pagkat ika’y sobrang nakakahiya,” hirit pa niya.
Pagpapatuloy pa ni Xian, “‘Yan na lang ang natitirang pera ng magulang mo kaya inispread nang malala para magmukhang marami.”
Matatandaang nanawagan ang mga netizens maging ang Department of Education na iwasan ang pagsabit ng money garland o ang pagbibigay mg money bouquet sa mga estudyante tueing graduation ceremony upang hindi magkaroon ng epekto sa iba pang mga bata o estudyante na hindi makatatanggap nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.