Anthony Leodones, Jamie Bautista nagkaayos na

Anthony Leodones, Jamie Bautista nagkaayos na: ‘Salamat bumalik ka’

Pauline del Rosario - May 30, 2024 - 02:29 PM

Anthony Leodones, Jamie Bautista nagkaayos na: ‘Salamat bumalik ka’

PHOTO: Facebook/Anthony Leodones

SUPER happy na ulit ang married vloggers na sina Jamie Bautista at Anthony Leodones.

Makalipas kasi ang ilang buwan, nagkaayos at nagkabalikan na ang dalawa!

Ito ay kinumpirma mismo ni Anthony sa isang Facebook post kung saan proud niyang ibinandera ang ilang sweet pictures nila ng misis.

Caption niya pa, “This time mas maayos na.”

Mensahe niya kay Jamie, “Salamat bumalik ka [red heart emoji]”

Baka Bet Mo: Sachzna Laparan, Veybillyn Gorens nagkaayos na matapos ang bangayan sa socmed

May karugtong pa ang inihayag ni Anthony at sinabing: “G lang guys sabihin niyo gusto niyo sabihin hahaha basta kami masaya kami. May maayos na buhay, pamilya at mga kaibigan.”

“Piliin niyo maging masaya guys hahahaha [red heart emoji] God bless [red heart emoji],” ani pa niya.

Anthony Leodones, Jamie Bautista nagkaayos na: ‘Salamat bumalik ka’

PHOTO: Screengrab from Facebook/Anthony Leodones

Sa comment section, mababasa na tuwang-tuwa rin ang kanilang kaibigang content creator na si Toni Fowler.

“Yehey!!! I love you both!!!! [smiling face with heart eyes emojis],” sey niya.

Kung matatandaan, nitong nagdaang Pebrero lamang nang kinumpirma ni Jamie na naghiwalay na sila ni Anthony matapos kumalat ang chikang nag-break na ang dalawa.

Nag-ugat kasi ito nang ibinandera ng babaeng influencer ang cryptic post na may nakalagay na: “Not all stories have happy ending.”

Inamin ni Jamie na malaki ang naging epekto ng panlolokong ginawa noon ni Anthony sa kanya na isa rin sa mga dahilan kaya hiniwalayan na niya ito.

“Dahil sa nangyari in the past, aminado akong nabawasan talaga yung pagmamahal ko sayo, hindi na kita kayang mahalin kung paano kita dapat mahalin at alam kong ang unfair non dahil nakikita ko kung paano ka bumawi sakin at paano mo pagsisihan yon,” lahad niya sa socmed post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ani pa niya, “Siguro kailangan ko muna rin talaga magheal pong, kelangan ko din ayusin yung sarili ko para na rin sa ikabubuti ng bawat isa.”

Kasunod niyan ay nilinaw din ni Jamie na maayos silang nag-break ng partner at walang involved na third party.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending