James Reid balik-acting sa pelikula; handa nang magpakasal?

James Reid balik-acting sa pelikula; handa nang magpakasal?

Pauline del Rosario - May 30, 2024 - 11:35 AM

James Reid balik-acting sa pelikula; handa nang magpakasal?

PHOTO: Instagram/@james

MAKALIPAS ang halos anim na taon, muli nang masisilayan sa big screen ang singer-actor na si James Reid!

Ang exciting news ay kinumpirma mismo ni James sa naging panayam niya with entertainment reporter na si MJ Felipe.

Wala pang ibinigay na detalye ang aktor, pero sinisimulan na raw itong lutuin kung saan siya ang magsisilbing producer at bida ng upcoming project.

“There is actually a project that I’m working on right now,” pagbubunyag niya.

Chika pa ng aktor, “Very early stages of the concept, but my plan is to build and produce and star in a film.”

Baka Bet Mo: James Reid hubo’t hubad kapag nasa bahay lang dahil sa sobrang init

Nabanggit pa sa interview na may kinalaman sa musika ang gagawing pelikula.

Kung maaalala, taong 2018 nang huling napanood sa mga sinehan si James.

Ito ang “Never Not Love You,” ang screen comeback nila ng dating girlfriend na si Nadine Lustre.

Sa parehong taon, tumampok din siya sa Philippine adaptation ng Korean film na “Miss Granny” kasama ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Kasunod niyan ay pagbibidahan sana niya ang bagong Pedro Penduko adaptation ng Viva Films, ngunit hindi lang ito natuloy dahil nagka-spinal injury siya during the training.

Taong 2019 naman nang kumalas si James sa Viva dahil mas pinili niya ang kanyang tatay na mag-manage ng kanyang career.

Kasunod niyan, itinayo na rin ng aktor ang sarili niyang management, ang Reid Entertainment at ang record label na “Careless Music.”

At speaking of music, naging usap-usapan sa social media recently ang latest single niyang “Hurt Me Too” na pinaniniwalaang ng maraming netizens ay tungkol sa naging breakup nila ni Nadine.

Pero paglilinaw ni James, “The song was inspired by a lot of different – not just about breakups, but people that have left me in my life.”

Dagdag niya, “I wanted to say to all these people in my life is that I’ve tried my best and I hope you guys know that…and you know, it is what it is.”

Na-bring up din ni MJ ang 31st birthday ng singer-actor at dito niya binanggit na ramdam na ramdam na niya ang “adulting.”

Nang tanungin siya kung ano-ano na ba ang mga “priorities” ni James ngayon?

“Trying to see my music through, trying to see my career through,” sambit niya.

Pagbubunyag pa niya, “Really just doing things the right way and maybe settling down soon.”

Tila nagulat ang reporter sa nabanggit ni James at humirit ng: “Really?”

Sagot naman sa kanya ng Careless Music founder, “Maybe.”

Follow-up naman ni MJ, “Are you emotionally, mentally ready for it [to settle down]?”

“I think so,” tugon ng aktor.

Kung matatandaan, March last year nang kinumpirma ni James sa isang statement ang tunay na relasyon nila ng current girlfriend na si Issa Pressman.

Noong January 2020 naman nang aminin nina Nadine at James na tuluyan na silang naghiwalay matapos ang halos apat na taong mag-dyowa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Nadine ay masaya na ngayon sa kanyang partner na French businessman na si Christophe Bariou.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending