Vice: Kahit gaano karami ang mali mo, meron at merong magmamahal sa ‘yo

Vice: Kahit gaano karami ang mali mo, meron at merong magmamahal sa 'yo

Ion Perez at Vice Ganda

NAHIHIYA kang aminin na kailangan mo ng tulong ng ibang tao para kumapit,” ang bahagi ng pahayag ni Vice Ganda tungkol sa proseso ng pagmu-move on.

Paulit-ulit na niloko ng kanyang dating dyowa si Marianne sa loob ng 12 taon at hindi raw naging madali para sa kanya na basta na lang kalimantan ang mga mapait na pinagdaanan.

Sa segment na “EXpecially For You” ng “It’s Showtime” nitong nagdaang Martes naging searcher si Marianne kung saan nakasama niya ang kanyang BFF na si Joan.

Ayon kay Marianne, paulit-ulit daw siyang niloko ng dating partner at grabe raw ang naging epekto nito sa kanyang personal na buhay. Matagal daw bago niya tuluyang nalampasan ang lahat ng sakit at pait na idinulot ng panloloko sa kanya sa loob ng 12 years.

Baka Bet Mo: Herlene Budol naubos ang ipon: Umiiyak ako araw-araw, ayokong magpakita sa pamilya ko kasi nahihiya ako

Sa isang bahagi ng segment, nagsalita nga si Vice Ganda at binigyan ng ilang advice si Marianne hinggil sa pakikipagrelasyon at pagmu-move on.


“Kailangan mo talagang kumapit e, minsan kasi lalo na ang hirap ng pagtayo at pagbangon kasi wala kang makapitan or wala kang gusto makapitan.

“Kasi nahihiya kang kumapit o nahihiya mong aminin na kailangan mo ng tulong ng ibang tao para kumapit,” sabi ni Vice kay Marianne.

Patuloy pa niya, “Yung sasabihin mo na ‘hindi darating ang oras na kakayanin ko ito’, o ‘kakaynin ko ‘tong mag-isa’ walang masama sa paghingi ng tulong o paghingi ng saklolo.

“Kasi mayroon at mayroon namang sasaklolo sa ‘yo e, dahil kahit na ano ka pa, kahit na ano pa ang kulay mo, kahit anong sablay mo sa buhay, kahit na gaano karami ang iyong mali, mayroon at mayroong nagmamahal sa ‘yo.

Baka Bet Mo: Bea umaming nakikipag-date kay Dominic pero takot mabigo uli: Nahihiya ako sa mga tao…

“Na magpapakapit para makatayo ka at kailangan mo lang i-acknwolegde yun, and at that point, you acknowledge it, you needed help and there are people who helped you,” litanya pa ng Phenomenal Box-Office Star.

Pero proud din daw si Vice kay Marianne dahil tuluyan na nitong nalagpasan ang mga masasakit na pinagdaanan niya sa kanyang past relationship.


“Congratulations, are you proud of yourself?” ang tanong ni Vice kay Marianne na sumagot naman ng, “Yes, I am.”

“I don’t know you, I just met you today, but I am very proud of you,” sey pa ni Vice Ganda.

Read more...