Bea umaming nakikipag-date kay Dominic pero takot mabigo uli: Nahihiya ako sa mga tao... | Bandera

Bea umaming nakikipag-date kay Dominic pero takot mabigo uli: Nahihiya ako sa mga tao…

Ervin Santiago |April 09,2021
facebook
share this

Bea umaming nakikipag-date kay Dominic pero takot mabigo uli: Nahihiya ako sa mga tao…

Ervin Santiago - April 09, 2021 - 09:12 AM

YES, nagde-date nga sina Bea Alonzo at Dominic Roque pero agad na nilinaw ng aktres na hindi niya boyfriend ang hunk actor-model.

Makalipas ang ilang buwang espekulasyon, inamin na nga ni Bea ang real score sa pagitan nila ni Dominic kasabay ng pagsasabing ingat na ingat na siya ngayon sa pakikipagrelasyon.

Ayaw munang bigyan ni Bea ng label kung ano ang estado ng relasyon nila ng binatang aktor at hindi pa raw niya alam kung saan mauuwi ang kanilang pagde-date.

“No. Wala pa kami. Ang hirap kasing sabihin, alam mo, parang in a way, as much as I don’t want to be a prisoner of my past, meron din akong parang, nahihiya ako sa mga tao na ‘I’m 33, I am dating,’” pahayag ni Bea sa chikahan nila ni G3 San Diego.

Aniya pa, “Hindi ko alam kung it will materialize into something else or like it would lead to something else but then, what if I fail again? I don’t want to keep failing in front of you guys, it’s embarrassing.”

Kung matatandaan, mismong ang nanay ng aktres ang nagsabi na “tanga” ang kanyang anak pagdating sa pag-ibig. Talagang bigay-todo raw ang dalaga kapag nagmahal at ilang beses na rin siyang nabigo sa pakikipagrelasyon.

Sabi pa ni Bea, hindi niya isinasara ang kanyang puso kay Dominic ngunit hindi pa talaga niya masabi kung mauuwi nga sa next level ang kanilang pagde-date.

“I am very careful when it comes to falling so deep again and trusting anybody, but I would like to say that I am open to being happy whether it’s romantically or in that aspect, romance or work.

“I am very open as you can see di ba, I am opening so many doors so I am open to a lot of possibilities,” pahayag pa ng award-winning actress.

Samantala, siniguro naman ng dalaga na kahit wala pa siyang bagong boyfriend ay masaya siya sa buhay niya ngayon pero pag-amin niya medyo nakakaramdam din siya ng takot.

“Happy ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. I’m also a bit terrified because of all these decisions, everything is new talaga.

“And to be honest, akala ko at 33 I would be married, but siguro kapag siguradong-sigurado na ako about the person, doon na ako magse-share.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi parang nahihiya din ako to let everyone know that I’m with somebody again, iba-iba rin tayo ng timeline. And maybe I will also get there, but maybe not soon,” paliwanag ni Bea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending