IN FAIRNESS, totoo naman ang sinabi nina Kelvin Miranda at Kira Balinger na maganda at maraming life lessons na mapupulot ang manonood sa pelikula nilang “Chances Are, You And I.”
Napanood na namin ang pelikula sa naganap na premiere night nito kamakalawa, May 28, sa SM Megamall Cinema 8, na dinaluhan ng mga cast members at ng ilan pang sikat na celebrities.
Nakita namin sa event sina Star Magic head Laurenti Dyogi, Iza Calzado, Jane de Leon, Kaila Estrada, JC Santos, Polo Ravales at Aya Fernandez.
Baka Bet Mo: Kelvin inamin ang tunay na feelings kay Kira: Totoo po ang naramdaman ko
Hindi naman kami binigo nina Kelvin at Kira dahil nabigyan nila ng hustisya ang kanilang mga karakter bilang sina Sol at Gabi na parehong nagka-brain tumor matapos masangkot sa aksidente ang kanilang pamilya.
Iikot ang kuwento sa magkaibang pananaw nina Sol at Gabi tungkol sa kamatayan – naniniwala si Gabi na may pag-asa pa siyang mabuhay kapag sumailalim sa major surgery habang tanggap na ni Sol na mamamatay na siya kaya ayaw na niyang magpagamot.
Totoong-totoo ang sinabi ng direktor ng pelikula na si Catherine Camarillo na matindi rin ang chemistry at magic on screen nina Kelvin at Kira dahil talagang na-feel namin sila sa mga pakilig na eksena.
Pero mas bumilib kami sa galing nila sa pagdadrama, lalo na sa crying scene ni Kira nang malaman niyang buhay pa pala ang kanyang nanay at hindi totoong namatay sa aksidente.
Baka Bet Mo: Kira Balinger idol na idol si Liza Soberano, bibida sa pelikula na gagawin sa Canada
Ang galing-galing ni Kira sa eksenang yun – natural na natural, totoong-totoo kaya madadala ka sa emosyong gusto niyang iparamdam sa mga manonood.
Ganu’n din si Kelvin na nakuha ang tamang timpla ng akting bilang si Sol na handa nang mamatay anumang oras – subtle acting lang pero convincing.
Hindi naman kasi kailangan ng karakter niya na tumodo sa pag-iyak at pagdadrama dahil yun talaga ang pino-portray niyang role, kabilang na nga riyan ang moment niya nang malamang lumalala na ang tumor sa utak niya.
At tulad ng tanong namin at ng lahat ng nanood sa premiere night habang tumatakbo ang kuwento, sure na sure kami na ito rin ang maiisip n’yong question – sino kina Sol at Gabi ang mamamatay sa ending dahil sa kanilang sakit?
Well, hindi na namin siyempre babanggitin ang tungkol diyan para may shock factor din kapag napanood n’yo na ang kabuuan ng movie.
Ang “Chances Are, You and I” ay mula sa Pocket Media Productions, Incorporation, Happy Infinite Productions, Incorporation, at Pocket Media Films. Showing na ito ngayon sa lahat ng sinehan nationwide.
Siyanga pala, naiintindihan na namin ang sinasabi ni Kelvin na dahil sa tindi ng dedication niya bilang aktor, totoong na-confuse siya sa tunay na feelings niya para kay Kira, habang ginagawa nila ang kanilang movie.
“Yes, confused ako sa reality, kung totoo ba lahat ng nararamdaman ko or is it just because of my character. I don’t know, pero isa lang ‘yung gusto ko linisin sa isyu na ito.
“Alam din ni Kira, hindi po kami naging kami, para linawin po ang isyu. Wala pong ligawan nangyari,” ani Kelvin.
“Ang hirap pong maging artista. Hindi lang ime-memorize ang lines, hindi lang kakabisaduhin ang blocking, hindi lang makikinig sa direktor.
“Hindi ka naman puppet, kundi isang instrument para kulayan mo ang canvass na binigay sa iyo ng direktor o ng writer, na bigyan mo ng buhay o pakiramdam ang character o ang script.
“Sino ba namang tao ang hindi makakaramdam, kung sobrang devoted ka,” ang sabi pa ni Kelvin.
Sabi ni Kelvin, totoo raw ang naramdaman niya kay Kira noong nagsu-shooting sila ng pelikula, “Nagpapakatotoo lang po ako, na yes totoo ang naramdaman ko noon.
“Siguro dala siya ng pagmamahal sa ginagawa ko, respeto ko sa direktor ko, at tiwala sa co-actor ko. Totoo na close kami ni Kira, at walang masama doon dahil pinagkakatiwalaan namin ang isa’t isa.
“Then, nangyari ang magic. Pero, wala kaming naging relasyon,” nakangiting sey pa ni Kelvin.