BINI sa nagsasabing witchcraft ang ‘Salamin, Salamin’: Fake news po

BINI sa nagsasabing witchcraft ang 'Salamin, Salamin': Fake news po

SINAGOT ng tinaguriang nation’s girl group na BINI ang isyung ibinabato sa kanila tungkol sa isa sa mga sikat nilang awitin na “Salamin, Salamin”.

Kumalat kasi ang post ng isang religious group sa social media kung saan inaakusahan nito ang P-pip girl group na nagpapalaganap ng withcraft sa pamamagitan ng kanilang kanta.

“Let’s choose our music wisely to nurture our souls and to bring us closer to God. Beware sa mga Christian, preachers, pastors, ministers na walang nakikitang mali sa pakikinig ng mga worldly music. ‘Salamin Salamin’ is a witchcraft song. Please wake up church,” saad ng naturang grupo.

Baka Bet Mo: Karen Davila sa BINI: ‘OMG ang babait! Tama lang na iniidolo niyo sila!’

Agad ngang nag-viral sa social media anv naturang post na umani ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol.

Ngunit hindi naman ito masyadong sineryoso ng BINI at natawa na lang sila sa mfa kumalat na chika ukol sa kanilang kanta.

Sa ginanap na press conference kamakailan upang ipakilala sila bilang ambassador ng Shopee ay nausisa ang mga dalaga tungkol sa kanilang kanta.

“Actually, hindi po kami nakaka-open ng social media po dahil sobrang busy namin. Ngayon lang po namin nalaman yan pero hindi na po natin macontrol yung utak ng ibang tao,” pagbabahagi ng leader ng BINI na si Jhoana.

Para naman sa isa pang miyembro na si Maloi, “Fake news po. Hindi po witchcraft ang ‘Salamin, Salamin.’ Maganda lang po ‘yung song.”

Ang BINI ay binubuo ng walang dalaga a sina Jhoana, Maloi, Colet, Sheena, Stacey, Gwen, Aiah, at Mikha.

Sumikat ang grupo nang mag-viral ang kanilang kantang “Pantropiko”.

Samantala, magkakaroon naman ng first solo concert ang P-pop group sa June 28-30 na gaganapin sa New Frontier Theater.

Read more...