Andi beast mode, sey ng girl sa viral video ni Philmar: Hindi ako lumandi

Andi beast mode sa viral video ni Philmar na may kasamang ibang babae

Crissa Liaging, Andi Eigenmann at Philmar Alipayo

TAGOS na tagos sa buto at laman ang pahayag ni Andi Eigenmann sa viral video ni Philmar Alipayo kasama ang isang babaeng content creator.

Hindi na nakapagpigil ang aktres sa mga naglalabasang malilisyosong chika tungkol sa kanyang fiancé at sa TikTokerist na si Crissa Liaging na siyang nag-upload ng video nila ni Philmar.

Marami ang nangnenega ngayon kay Philmar dahil sa umano’y pakikipaglandian at pakikipag-flirt nito kay Crissa nang magkita at magkausap sila sa isang bahagi ng Siargao.

Baka Bet Mo: Video ni Philmar na may kasamang girl nilagyan ng malisya, knows ni Andi?

Ayon kay Andi, wala raw siyang nakikitang masama sa ginawa ng kanyang future husband, ang nakakaloka lang daw ay ang pagpo-post ng edited video sa social media para sa likes and views.


“He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that,” ang pahayag ni Andi sa kanyang Instagram Stories.

Dagdag pa niya, “What’s shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention.”

Kasunod nito, si Crissa naman ang nag-issue ng statement tungkol sa kontrobersya kung saan ipinagdiinan niyang walang nangyaring “something” sa kanila ni Philmar.

Baka Bet Mo: Andi Eigenmann naka-bonding ang anak ni Philmar habang nagbabakasyon sa France

“Hindi totoo ang inyong iniisip at hindi totoo ang mga naglalabasang isyu sa social media. Alam ko mga kaibigan na mali ko, ako rin ang naglaglag sa aking sarili,” ang sabi ni Crissa sa salitang Bisaya.

Inamin naman niya na kasalanan din niya kung bakit sila naiisyu ngayon ng fiancé ni Andi pero inulit-ulit niyang walang landian na nangyari.

“Walang flirting na nangyari dahil nasa public place kami. At hindi ko rin ma-please si Philmar the way siya tumingin at mag-act sa akin.

“Ang mali ko lang talaga mga kaibigan, hindi ako dumistansya.

“Pero ‘yang sinasabi n’yo na lumalandi ako, hindi ako lumandi dahil alam kong pamilyadong tao siya.

“Ang sa akin lang mga kaibigan, masyado akong na-overwhelm dahil hindi ko inakala na kilala din pala niya ako.

“At ‘yung conversation namin ni Philmar, wala kaming ibang topic nu’n, about lang sa isa niyang kasama na surfer,” paliwanag ni Crissa.

Sabi pa ni Crissa, pareho na silang nakainom ni Philmar that time at kasama nila ang kani-kanilan surfer friends nang magkita sa isang bar sa Siargao.

Sa huli, muling ipinagdiinan ni Crissa na walang nangyari sa kanila ni Philar at ito na ang huling pagkakataon na sasagutin niya ang isyu.

Read more...