NAGPAPLANO ang Bandera texter …3431, mula Tabuan Lasa, Basilan, ng mahabang biyahe na aabutin ng 400 kilometro. Kung sa sementadong kalsada daraan, aabutin ito ng maghapong biyahe kasama na rito ang stop over para kumain at jumingle.
Hindi magiging problema ang ganito kahabang biyahe sa isang dalawang taong Japanese 125. Kung umabot na ng 1,000 kilometro mula ng huli kang nag-oil change, makabubuting magpalit na ng langis bago umalis.
Kung umabot na kasi ng 1,000 kilometro ang itinatakbo ng motorsiklo, maaaring hindi na tama ang lebel ng langis. Dapat ding tiyakin na nasa tamang lebel pa ang langis.
Kalimitan ang oil filler cap o dipstick ay mayroong tatlong marka. Ang lebel ng langis ay nakabubuting nasa pagitan ng Level 1 at Level 2 markings.
Sa pagtingin ng lebel ng langis, dapat ang makina ay napaandar na ng tatlo hanggang limang minuto. Ilagay sa patag ang motorsiklo at ihinto ang makina ng dalawa o tatlong minuto bago alisin ang dipstick.
Linisin ang dipstick gamit ang malinis na basahan bago ito muling ipasok upang makita ang sukat ng langis. Dapat ding tingnan kung mayroong tagas ang tangke ng gas lalo at lumiliyab ito.
Nakakatakot kung biglang aapoy na lamang ang sasakyan habang bumibiyahe ka, hindi ba? Suriin din ang brake shoe at brake pad lalo kung matagal na itong hindi napapalitan. Tingnan din kung may leak ang brake fluid.
Dapat ding tingnan kung kalbo na ang gulong at kung wala itong mga bukol. Mas makabubuti kung papalitan na ang gulong kung ganito na ang kondisyon.
Ang drive chain ay dapat ding tignan upang matiyak na nasa tamang higpit ito. Suriin din ang sprocket at kung may bungi na ay dapat na itong palitan.
Huwag ding kakalimutan na tingnan ang throttle cable upang matiyak na aandar ng tama ang makina ng motorsiklo kapag pinihit. Isama na rin sa listahan ng mga susuriin ang mga ilaw at busina.
MOTORISTA
Raider 150
GUSTO kong bumili ng Raider 150. Matibay ba ito? Bakit mas mahal ito sa Honda XRM?
LEEROY, Cagayan de Oro City.
BANDERA
ANG tibay o itatagal ng motorsiklo ay depende sa paggamit ng may-ari, at depende rin kung reputable ang manufacturer. Walang matibay na motorsiklo sa laspagero.
At di matibay ang motorsiklo kung ang gumawa nito ay wala pang kakayahan para pantayan ang kalidad ng magagaling na manufacturers.
Marami nang reklamo ang mga riders hinggil sa mga motor na gawa sa Taiwan at China. Mas mahal ang presyo ng Raider kesa XRM dahil mas mataas ang cc nito; 125 lang ang XRM.
MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp? I-text sa 0917-8446769.
Classifieds Motor
SWAP Wave 100 0907-3338220
HONDA CB 110 0933-3130023, 0927-9762882
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.
Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang). Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).
Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number). Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).
VINTAGE bike (cell phone number). PARTS (cell phone number). INSURANCE (cell phone number). I-text ang mga ito sa 0917-8446769
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.