Piolo Pascual hahakot ng awards sa FAMAS?

Piolo kumasa sa ‘Pantropiko’ dance; ‘Mallari’ hahakot ba ng parangal sa FAMAS?

Reggee Bonoan - May 26, 2024 - 11:54 AM

Piolo kumasa sa 'Pantropiko' dance; 'Mallari' hahakot ba ng parangal sa FAMAS?

PHOTO: Instagram/@piolo_pascual

MAMAYANG gabi na, May 26, ang 72nd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards night na gaganapin sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel sa ganap na 7 p.m.

Inaabangan ng lahat kung sino ang mananalong Best Actress, Best Actor at Best Picture kaya naman halos lahat ay tututok mamaya sa YouTube channel ng FAMAS dahil wala itong live TV coverage.

Good thing nakaluwas na ng Maynila ang cast ng “Pamilya Sagrado” sa pangunguna ni Piolo Pascual galing Baguio kung saan sila nagso-shoot.

Nagkaroon pa nga sila ng mall show kahapon, May 25, sa Ayala Clover Leaf sa Balintawak na talagang marami ang nanood.

Kaya sigurado kaming makakadalo si Papa P sa Famas awards night mamayang gabi kasama ang iba pang cast ng pelikulang “Mallari” kung saan may 14 nominations ito out of 18.

Baka Bet Mo: Piolo naghatid ng tulong sa mga PWDs kasama ang APPL: Hindi tayo naiiba

Ang tanong ng supporters ng aktor, maiuwi niya kaya ang “Best Actor” trophy tulad ng nangyari sa Manila International Film Festival (MIFF) at sa katatapos na Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF), Inc. kung saan hinirang siyang “Film Actor of the Year” para sa “Mallari.”

Anyway, viral ang video na sumasayaw si Piolo kasama sina Grae Fernandez at Kyle Echarri mula sa awiting “Pantropiko” na pinasikat ng grupong BINI.

@kapamilyaonlineworld2 Team #PamilyaSagrado Pantropiko 🔥🔥🔥 #foryou #fyp #trending #philippines #abscbnstudios #kapamilyaforever #piolopascual #kyleecharri #graefernandez #starmagic ♬ original sound – Kapamilya Online World

Obviously, kinunan ang video habang nasa Baguio sila habang naghihintay ng take ng Pamilya Sagrado na mapapanood na sa Kapamilya channel sa Hunyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending