Piolo naghatid ng tulong sa mga PWDs: Hindi tayo naiiba

Piolo naghatid ng tulong sa mga PWDs kasama ang APPL: Hindi tayo naiiba

Ervin Santiago - May 23, 2024 - 08:41 AM

Piolo naghatid ng tulong sa mga PWDs kasama ang APPL: Hindi tayo naiiba

Piolo Pascual

HINDI lang puro trabaho ang inaatupag ngayon ng Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual – aktibo rin siya sa pagsusulong ng kanyang mga adbokasiya.

In fairness, talagang hinahanapan ng Kapamilya superstar ng panahon ang pagbibigay ng inspirasyon at tulong sa mga kababayan nating nangangailangan.

Kamakailan lamang ay sinuportahan ni Papw P ang charity gift-giving event ng Ang Probinsiyano Party List (APPL) na ginanap kamakailan sa Quezon City Hall.

Baka Bet Mo: Matet de Leon isa nang PWD, nakaranas ng ‘pagtataboy’ sa priority lane: ‘Hiyang hiya ako, pati sa sarili ko’

Kasama sina Ang Probinsyano Party List (APPL) Cong. Alfred delos Santos, QC Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Head Debbie Dacanay, Councilors Dorothy Delarmente at Aiko Melendez, at Cornerstone Entertainment Vice President Jeff Vadillo, namigay si Piolo ng tulong sa 100 persons with disabilities (PWDs).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mentorque Productions (@mentorqueproductions)


Nang magkaroon ng libreng araw mula sa pagti-taping ng kanyang bagong ABS-CBN teleserye na “Pamilya Sagrado”, naghatid ang Kapamilya actor ng saya sa PWDs at hinimok silang maging matatag.

“‘Di dapat natin iniisip na kakulangan kung anuman ang kulang sa atin. Bagkus, dapat gamitin natin iyon para maging motivation to be better, na isipin natin na hindi tayo naiiba, kundi ay kasama tayo sa society natin,” mensahe ni Piolo.

Nagbigay ang grupo ng aktor ng groceries sa lahat ng PWDs at ang ilan sa kanila ay niregaluhan ng libreng wheelchairs.

Baka Bet Mo: Aiko Melendez first time na ‘di makakasama ang mga anak sa Mother’s Day: That completely breaks my heart…

Nagpahayag si APPL Cong. Delos Santos ng patuloy na suporta sa PWDs, partikular ang paghahain ng Special PWD Act na naglalayong magbigay ng P1,000 monthly financial assistance sa legitimate PWDs.

“Tatrabahuhin natin iyan sa Kongreso. Alam natin ang hirap ng isang magulang na may anak na PWD o isang ina na PWD na may anak. Sana po maipasa natin ang P1,000 per month assistance,” ani Cong. Delos Santos na siya ring nag-file ng mungkahi para 20-percent discount sa pagkain, gamot at mga serbisyo para sa PWDs.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Netflix Philippines (@netflixph)


Natuwa si Piolo sa mga adhikain ng APPL para sa PWDs kaya’t nagsabi ang aktor na patuloy siyang sasali sa mga outreach program nito, “Nakaplano lahat ng outreach natin. Ito pa lang ang simula, at nakakatuwa lalo na kapag natutupad ang mga pangako sa atin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama sa programa sina boy group VXON na kumanta at sumayaw at si Baileys Acot na nagsilbing host ng event. Kabilang sa sponsors ng event sina Mayor Joy Belmonte, city government ng Quezon City, Cornerstone Entertainment at Surge Fitness Outreach Program.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending