FEELING ng mga fans, may namamagitan na talagang something special sa pagitan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Hindi na raw kailangan ang lantarang pag-amin ng magka-loveteam para maramdaman ng publiko na totohanan na ang kanilang pagmamahal at pagke-care sa isa’t isa.
Kitang-kita raw nila yan sa nag-uumapaw at nagmumurang chemistry ng dalawang Kapamilya stars sa kanilang serye na “What’s Wrong With Secretary Kim.”
Talaga namang pak na pak ang kanilang romcom series sa madlang pipol, lalo na kapag naglalambingan at nag-aasaran na sila.
Baka Bet Mo: Xian Gaza sa Liza-Ogie issue: Ang nakikita lang nila ay ‘yung 10-20% mo bilang manager
“Hand in hand kasi iyon to make a show worth it or to properly portray our characters to Linlang and What’s Wrong With Secretary Kim,” ang pahayag ni Paulo sa panayam ng press.
“Akin kasi ang daming kailangan ayusin especially when we started in Linlang. May mga bagay siyang nakikita sa script namin na hindi ko nakikita, may nakikita rin ako.
“Mine-make sure ko lagi na nabo-voice out ko lagi para malaman namin kung mutual ba yung gusto naming mangyari sa eksena or hindi,” dagdag pa ng aktor.
Aniya pa, “Throw lines din kasi, doon din namin name-measure yung timing and doon din talaga nakikita yung magic kung may kulang pa or kailangan pa idagdag sa eksena.”
Sey naman ni Kim patungkol kay Paulo bilang leading man, “Sa amin siya talaga iyong leader. Siya yung leader ko. Parang marami siyang mga inputs. Parang mas malawak yung nakikita niya sa nakikita ko kaya nakikinig na lang ako sa kaniya.”
Baka Bet Mo: McCoy de Leon matagal nang hindi nakikita ang anak, nagloko nga ba kaya biglang nilayasan ni Elisse Joson?
Pag-amin pa ni Paulo, noong una ay talagang may pag-aalinlangan siya sa pagganap bilang si BMC, ang boss ni Secretary Kim.
“I had my doubts in myself noong una but you know there’s a conscious effort to be a part na ma-portray yung role and I’m very grateful kay Kim and sa mga tao na working behind the camera.
“Because ang dami nilang in-adjust para sa portrayal ko rin, pati sa timings and characterizations,” pahayag ni Paulo.
Sey naman ni Kim, “Hindi talaga ako super 100 percent happy and bubbly while we started doing this Secretary Kim pero malaki talaga pagpapasalamat ko sa buong staff, sa director and also to Paulo dahil tinulungan talaga nila ako kasi ang taas ng expectation.
“Ang daming nangyari noon and medyo na-pressure din ako pero nagpapasalamat talaga ako sa tulong ni Pau, ni Direk and everyone else. They helped me get to be Secretary Kim,” dugtong ng dalaga.
In fairness, hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang viral “cabinet kissing scene” nina Kim at Paulo sa “What’s Wrong With Secretary Kim?”.
Talaga naman kasing naloka ang mga manonood sa halikan ng KimPau sa isang episode ng Pinoy version ng naturang hit K-drama series ng ABS-CBN.
Sa ginanap na official poster reveal para sa TV airing ng “What’s Wrong With Secretary Kim,” inamin ng dalawa na nakadalawang takes lang sila para sa naturang eksena kung saan naghalikan nga ang kanilang mga karakter habang nakaupo sa loob ng isang cabinet.
“Isa or dalawa siguro para doon sa backshot. Ayaw naming mapahiya kaya ginandahan na rin namin ni Direk Chad (Vidanes) para sa viewers,” sabi ni Paulo.
Inamin din ni Kim na itinodo na niya ang paghalik sa karakter ni Paulo dahil ayaw niyang mabigo ang fans. Sinabi rin niyang pinag-isipan talaga nila kung paano gagawin ang eksena na ikaka-proud ng mga Pilipino.
“Siyempre, hindi pa nagsisimula ‘yung ‘Secretary Kim’ ‘yan na ‘yung iniisip na palabas ng fans talaga ng show. Na ‘naku, eto ha, aabangan talaga namin ito kasi very iconic ‘to!’
“Na-pressure kami kaya naisip namin na sana hindi natin ma-fail. Sana may maibubuga rin ‘yung Philippine version,” kuwento ni Kim.