Bwelta ni Andrea sa bashers: I’m not perfect pero hindi masama ugali ko!

Bwelta ni Andrea sa bashers: I'm not perfect pero hindi masama ugali ko!

Andrea Brillantes

DUMEPENSA ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa mga taong patuloy na nangnenega sa kanya bilang isang tao at bilang artista.

Marami raw ang nagsasabi na kesyo maldita siya, suplada, plastik at iba pang masasakit na salita na para sa kanya ay wala namang katotohanan.

Baka Bet Mo: Meg Imperial may kinalaman nga ba sa paghihiwalay nina Tom at Carla?

Sa isang magazine interview, ibinahagi ng lead star ng ABS-CBN suspense-drama series na “High Street” na kadalasan ay nami-misunderstand siya ng ilang tao at pinalalabas na masama siyang babae.


Isa si Andrea sa mga youngsters ngayon na talaga namang laging bina-bash at tinitira ng mga haters sa social media pero pinipilit daw niyang huwag maapektuhan sa mga ito.

Natanong si Andrea sa naturang panayam kung anu-ano ang mga bagay tungkol sa kanya na pinaniniwalaan ngayon ng mga tao na hindi naman totoo.

“Lahat, char! Ang dami. Wait! Siguro…O, masyado bang conceited to say na hindi masama ‘yung ugali ko.

“I think I’m a good person. Parang pwede ko namang sabihin ‘yun, ‘di ba? I think I am,” pahayag ni Andrea.

Baka Bet Mo: Xian Gaza sa kinakaharap na isyu nina Vice at Ion: ‘Yung isipan lang po natin ang malaswa

“I’m not perfect but I’m not as bad as they paint me out to be,” dagdag pa ng dalaga.


Pero paliwanag pa ng Kapamilya star, wala naman daw siyang kontrol sa mga sasabihin ng mga tao about her kaya hangga’t maaari ay hinahayaan na lamang niya ang mga ito.

“If ever ‘yun ‘yung tingin nila, ‘yun ‘yung lumalabas. I think as a water sign, I’m just a reflection of their actions.

“Like, for example, if kunyari may magsabi na suplada ako. Feeling ko mas nauna nila ako sinupladahan bago ko sila,” aniya.

Napapanood ngayon si Andrea sa sequel ng hit Kapamilya series nilang “Senior Hight”, ang “High Street” kung saan kasama pa rin niya sina Juan Karlos, Zaijian Jaranilla, Elijah Canlas, Xyriel Manabat, Gela Atayde at marami pang iba.

Read more...