Comeback or Upset: Versusan sa Miss Universe Philippines 2024

Miss Universe Philippines 2024 candidates Stacey Gabriel, Hannah Janson, Ahtisa Manalo, Christi McGarry, Victoria Vincent, at Alexie Brooks

Miss Universe Philippines 2024 candidates Stacey Gabriel, Hannah Janson, Ahtisa Manalo, Christi McGarry, Victoria Vincent, at Alexie Brooks. Screengrab from YouTube/Empire PH.

NAGDARASAL na ang maraming pageant fans ng Miss Universe Philippines 2024 kung sino ang hihirangin nilang bagong reyna.

All glammed na ang 53 contestants all over the Philippines bago ang final rampahan kung saan ang mananalo ay magiging kalahok ng bansa sa Miss Universe pageant sa Mexico this year.

Ang edisyon ngayong taon ay kakikitaan ng versusan ng mga nagbabalik at mga bagong salang sa national pageantry world.

Pumili kami ng ilan sa mga trending girls this batch na kering-keri makipag-versusan sa coronation night na gaganapin ngayong Miyerkules, May 22 sa Mall of Asia Arena.

Comeback Queens

Marami sa mga sasalang ngayon ay mga veteran queens na. May ilan pa na nakapag-represent na ng ating bansa sa international stage.

Unahin muna natin ang mga naging kandidata na ng national pageants sa ating bansa. Nariyan si Anita Gomez ng Zambales na sumalang sa Miss Philippines Earth 2021.

Magkaibang taon man ngunit sa Binibining Pilipinas rumampa sina Selena Reyes ng Pasig at Alexandra Rosales ng Laguna.

Sina Miss Nueva Ecija Maica Martinez at Miss Naic Mary Guiral ay sumubok sa Miss World Philippines habang si Mary Yasol ng Miami naman sa Mutya ng Pilipinas 2011.

Moving forward, muntik nang makasungkit ng korona ang mga sumusunod na queens sa national level. Si Kymberlee Street na kumakatawan sa Australia community ay napabilang sa Top 10 ng Miss Universe Australia 2022.

Kasama rin dito ang kinatawan ng United Kingdom community na si Christina Chalk. Itinanghal lang naman siya bilang Miss Universe Great Britain 2016 first runner-up, Miss Earth Scotland 2017, Miss Universe Great Britain 2019 Top 15, at Miss Universe Great Britain first runner-up.

Sa Pilipinas naman, si Miss Bulacan Chelsea Manalo ay kabilang sa Top 15 ng Miss World Philippines 2017.

Ang mga frontrunner na sina Victoria Velasquez Vincent ng Bacoor at Stacey Gabriel ng Cainta ay naging Miss Universe Philippines Charity 2021 at Binibining Pilipinas 2022 second runner-up na rin, ayon sa pagbanggit.

Baka Bet Mo: Pia all out support kay Christi: ‘She might be our next Miss Universe!’

Major Comeback Queens

Here comes the frontrunners na may international experience.

Una na riyan ang talagang inabangan ng lahat, si Miss Quezon Province Ma. Ahtisa Manalo. Kabilang siya sa court ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Binibining Pilipinas bago tanghalin bilang first runner-up sa Miss International pageant sa taong iyon sa Japan.

Under the queenship of Miss Universe 2014 Top 10 finalist Mary Jean Lastimosa naman si Kris Tiffany Janson ng Cebu. Siya noon ang mayhawak ng Binibining Pilipinas Intercontinental crown bago tanghaling second runner-up sa Miss Intercontinental 2014 sa Germany.

Decorated din ang pambato ng Pampanga na si Cyrille Payumo nang maging Mutya ng Pilipinas 2019 first runner-up, Miss Tourism International 2019, at World Top Model Philippines 2022. Sumalang din siya sa Binibining Pilipines 2022.

At panghuli, ang Binibini sister ni Pia noong 2015 na si Miss Taguig Christi McGarry. Nagsimula ang kanyang pamamayagpag sa pageant career noong itinanghal siyang first runner-up sa Miss New Jersey Teen USA 2008.

Sumunod nito ay nakuha ni Christi ang Mutya ng Pilipinas Asia Pacific 2010 na nakapagbigay sa kanya ng pagkakataon na maging kinatawan ng bansa sa Miss Intercontinental 2010 kung saan siya nagtapos bilang Top 15 semi-finalist. Sa taon ding iyon siya naging Top Model of the World.

Taong 2015 nang naging Binibining Pilipinas Intercontinental si McGarry kaya sumalang muli siya sa pangalawang pagkakataon sa Miss Intercontinental pageant but this time ay itinanghal siyang first runner-up.

Challenger Queens

Sa bawat nagnanais na makabalik sa international scene lalo pa sa Miss Universe stage, mayroong mga challenger na hahadlang sa pinapangarap nilang comeback.

Bago pa man ang events ng Miss Universe Philippines 2024, naging usap-usapan na ang gandang taglay ni Kayla Jean Carter na kumakatawan sa Northern California. Naging bahagi siya ng reality show na ‘Too Hot to Handle: Season 2.’

Higit na maingay ang pambato ng Iloilo City na si Alexie Brooks. Bukod sa kanyang pagsabak sa rampahan ay decorated athlete din siya na kumatawan sa bansa sa Southeast Asian Games kamakailan.

Ang ilan pa sa mga dapat bantayan ay si Miss Baguio Tarah Valencia, Miss Palawan Raven Doctor, at ang girlfriend ng actor-musician na si JK Labajo na kumakatawan sa Cavite, Dia Mate.

Baka Bet Mo: JK nag-promise kay Dia Maté, itotodo ang suporta sa Miss Universe PH 2024

Trending din mula nang ilabas ang preliminary interview ng mga kandidata sina Juvel Ducay ng Bantayan Island at Joanna Yulo ng Davao.

Talaga namang mainit-init ang salpukan ng mga nagnanais kumatawan sa Pilipinas.

Pero alam niyo bang hindi lang ang Miss Universe Philippines crown ang maaaring maiuwi ng mga mananalo dahil na-acquire din ng organization ang apat pang korona na Miss Supranational Philippines, Miss Charm Philippines, Miss Eco Philippines, at Miss Cosmo Philippines.

Magsisilbing hosts sina Alden Richards, Gabbi Garcia, Tim Yap, TV personality Jeannie Mai, at Miss Universe 2022 R’bonney Gabriel.

Haharanahin naman tayo ng bandang Lola Amour, nina International Drag Race Superstar Marina Summers, at Thai superstar Win Metawin.

Kayo mga ka-Bandera, sino ang bet n’yo ngayong Miss Universe Philippines 2024?

Read more...