Meg Imperial may kinalaman nga ba sa paghihiwalay nina Tom at Carla? | Bandera

Meg Imperial may kinalaman nga ba sa paghihiwalay nina Tom at Carla?

Ervin Santiago |March 07,2022
facebook
share this

Meg Imperial may kinalaman nga ba sa paghihiwalay nina Tom at Carla?

Ervin Santiago - March 07, 2022 - 07:50 AM

Meg Imperial, Tom Rodriguez at Carla Abellana

MATAPANG na dumepensa ang sexy actress na si Meg Imperial sa tsismis na may kinalaman daw siya sa umano’y paghihiwalay ng Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Ilang linggo nang hot topic sa social media at ng mga “Marites” sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngunit until now ay hindi pa rin nagsasalita ang mag-asawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang pagsasama.

Bukod sa dating beauty queen turned actress na si Kelley Day at sa bagong Kapamilya na si Lovi Poe isa pa sa mga nadamay sa rumored breakup nina Tom at Carl ay Meg Imperial.

View this post on Instagram

A post shared by Meg (@megimperial)


Mariin nang idinenay ng kampo nina Lovi at Kelly na sila ang third party sa paghihiwalay nina Carla at Tom kaya naman marami ang nagtatanong kung magsasalita kaya si Meg hinggil sa nasabing tsismis.

Nadamay ang aktres sa issue dahil nagkasama sila sa pelikulang “The Last Five Years”. Aware raw ang dalaga na nali-link siya kay Tom at knows din niya na totoong may pinagdaraanan ang aktor ngayon. 

Sa isang panayam, mariin ngang pinabulaanan ni Meg na may relasyon sila ni Tom, “I have been friends with them, pareho, constant naman yung communication with both of them since they are both part nung platform that I have mentioned to you before, so doon lang yung naging focus ko.”

Hindi rin daw sasama ang loob niya kay Tom kung hindi man ito makakapag-promote para sa movie nila.

“Naintindihan ko naman kung ano yung pinagdadaanan nila. Ako na muna yung ano, I love this film also, so wala naman sakin kung i-promote ko ito,” sabi pa ni Meg sa nasabing interview.

Meg Imperial kalmadong sinagot ang netizen na nanlait sa kanya: And your point dear?

True ba, ang pagsabak ni Tom sa politika ang isa sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Carla?

Carla tuloy ang pagla-like sa pang-ookray ng netizens kay Tom; imposible na bang magbalikan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending