Sylvia hinahanap pa rin ang ama: Kung patay na siya, gusto kong puntahan

Sylvia hinahanap pa rin sa ama: Kung patay na siya, gusto kong puntahan

Gela Atayde at Sylvia Sanchez

BINIGYAN ng 100% rating ng Kapamilya young actress at dancer na si Gela Atayde ang kanyang inang si Sylvia Sanchez bilang isang nanay.

Pero sabi ni Gela, na napapanood sa ABS-CBN suspense-drama series na “High Street“, hindi naman daw ibig sabihin nito ay super perfect na ang kanyang mother dear.

Sa special Mother’s Day special ng “Stars On Stars”, ang bagong talkshow na napapanood sa Jeepney TV, nagkaroon ng heart-to-heart talk ang mag-inang Sylvia at Gela.

Baka Bet Mo: Gela Atayde gusto ng baby girl na pamangkin kay Arjo, ibinuking ang ‘ugali’ ni Maine bilang sister-in-law: ‘Pareho po kaming kalog’

Napag-usapan nina Ibyang at Gela ang kanilang respective showbiz careers at personal struggles sa buhay. Nagkaroon din sila ng chance na tanungin sa isa’t isa ang mga bagay na hindi nila madalas pagchikahan.

Isa sa mga naitanong ni Sylvia kay Gela ay kung paano nito ire-rate ang kanyang pagiging nanay base sa pagpapalaki niya sa kanilang magkakapatid. Isang agad-agad na 100 percent ang sagot ng youngstar.


“100 doesn’t necessarily mean like you’re perfect. 100 because you give what you can with what you have.

“Kung ano’ng makakaya mo, ibibigay mo all the time. It’s 100 because I see that and I appreciate that,” paliwanag ni Gela.

Natalakay din nila ang pagpasok ng dalaga sa mundo ng showbiz kung saan nabigyan pa sila ng pagkakataon na magkasama sa hit Kapamilya series na “Senior High” na pinagbidahan ni Andrea Brillantes.

Baka Bet Mo: Ria Atayde mahihirapang magbuntis dahil sa PCOS, ‘miracle’ pag nagkaanak

Ayon kay Gela, bata pa lang siya ay na-expose na siya sa showbiz dahil palagi siyang nakabuntot noon kay Ibyang kapag nagtatrabaho ito.

Sey ni Sylvia, bukod kina Arjo at Ria na kahit paano’y nakagawa na rin ng sariling pangalan sa showbiz, proud na proud din siya siyempre kay Gela na nagsisimula pa lamang sa kanyang career.

“Ako lang yung nag-open ng door sa ‘yo para makapasok ka. But isipin mo rin na nu’ng hinakbang mo yung paa mo sa industriya, hindi na ako yun, Gela. Ikaw na yun. And I’m so proud of you na pinakita mo na kaya mo,” ang mensahe ni Ibyang sa anak.


At ngayong nakapasok na nga siya sa mundo ng showbiz, ay unti-unti na rin siyang nakikilala ng publiko at hindi lang basta anak ni Sylvia Sanchez kundi isa ring magaling na artista, dancer at host.

“We make the paths for ourselves. Kami na yung magpu-prove sa mga tao na we’re worthy of being in the industry,” ang sabi ni Gela.

Samantala, naging emosyonal naman si Ibyang nang mapag-usapan ang kanyang personal na buhay at mabanggit ang isang bagay na masasabi niyang “kulang” sa buhay niya ngayon.

Ang tinutukoy ng premyadong aktres at movie producer ay ang kanyang tatay na gustung-gusto niyang makita at makilala.

“Sa lahat ng mga narating ko, lahat meron ako. Isa lang ang hindi ko kayang bilhin, yakap ng tatay.

“Yes, gusto kong makita ang tatay ko, kung buhay pa siya. At kung patay na siya, gusto ko siyang puntahan.

“Gusto kong makita saan siya nilibing,” ang sabi ni Sylvia kasabay ng panawagan sa mga nakakakilala sa kanyang ama na ipagbigay-alam lamang sa kanya kung saan ito naroroon ngayon.

Isang seaman noon ang ama ni Ibyang na hindi na nakauwi sa kanila. Ang huling balita nila ay nasa Brazil ito doon na naninirahan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito matagpuan.

Read more...