Ez Mil, Abi Marquez, Arshie Larga pasok sa ‘30 under 30 Asia’ ng Forbes

Ez Mil, Abi Marquez, Arshie Larga pasok sa ‘30 under 30 Asia’ ng Forbes

Ez Mil, Abigail Marquez, Arshie Larga

ANG bongga naman ng content creators na sina Abi Marquez at Arshie Larga, pati na rin ang Filipino-American rapper na si Ez Mil!

Napabilang kasi sila sa “30 under 30 Asia” ng global business magazine na Forbes ngayong taon.

Tampok sa listahan ang entrepreneurs, artists at changemakers mula Asya na wala pa sa edad 30 na nangunguna sa pagbabago ng kanilang mga industriya at nagbibigay-inspirasyon sa kanilang henerasyon.

“Ez Mil first attracted attention with his reflections on Philippine nationalism in the track ‘Panalo,’ but it was last year’s ‘Up Down’ that brought him together with Dre and Eminem, with the latter performing on Ez Mil’s 2023 album “DU4LI7Y: REDUX,” paglalarawan ng magazine sa Pinoy rapper.

Pagpapakilala naman kay Abigail, “[She’s] been crowned the Lumpia Queen for her obsession with one Philippine fried snack, but she promotes all aspects of her nation’s food culture, a passion she has had since the age of 4.” 

Baka Bet Mo: Jay R super proud kay EZ Mil, lalong nabuhayan ng pag-asa: I wanna be the true King of R&B ng Pilipinas and make it global!

“Marquez trained as a chef before moving into videography, and now runs a cooking channel on TikTok with more than 3 million followers,” patuloy pa.

Pagdating naman kay Arshie, “Ramon Christian Larga—who also goes by Arshie Larga—is teaching about safe medicine use in a funny, compelling way. The licensed pharmacist, who works in his family’s pharmacy in the island province of Marinduque, has attracted nearly 4 million followers on TikTok with videos sharing his experiences and explaining how an ethical pharmacist helps take care of customers.”

Dahil sa sobrang tuwa, agad na ibinandera ni Ez ang latest milestone.

Lahad ng rapper sa IG Story, “Thank you [Forbes Asia] for including me on your Class 2024 list of ’30 Under 30′ Entertainment [and] Sport Category!” 

“We’re freaking out!” caption ni EZ habang mapapanood sa video na masayang ibinabalita sa kanyang mga kasama.

PHOTO: Screengrab from Instagram Story/@ezekielmiller

Super happy din si Arshie na nag-post din ng kanyang video sa IG, “Today, I just received yung isa sa mga pinakainaantay kong emails for 2024…Napasama po tayo sa Forbes list for the 30 under 30 Asia!” 

Pag-amin niya, “Until now, speechless pa rin po ako.”

Kasunod niyan ay pinasalamatan niya ang lahat ng kanyang supporters at taga-hanga na naging rason na nakamit niya ang nasabing achievement.

“Nagpapasalamat po kami sa inyo, sa inyong sumusuporta sa akin kasi for sure na hindi ko makukuha or hindi ako mare-recognize sa list na ito kung hindi dahil sa inyo,” sey ng content creator.

Aniya pa, “Nung sinimulan ko po itong advocacy na ito, wala naman po akong ine-expect in return. Masaya na po ako na nagiging daan po ako para makarating ‘yung tulong ninyo sa mga taong dapat tulungan.”

As of this writing, wala pang reaksyon si Abi sa nakuha niyang pagkilala mula sa Forbes.

Pero noong May 13 lamang, naiuwi niya ang People’s Voice award para sa kategoryang “General Social: Food [and] Drink” na naganap sa Webby Awards sa New York.

“This is a celebration of Filipino food, talent, and the hard work of so many people,” caption niya sa IG, kalakip ang kanyang picture na hawak ang natanggap na tropeyo at ilang moments sa nasabing event. 

Sambit pa niya, “Grateful beyond words for the chance to fly to New York, represent our country, and cherish this moment as a core memory.”

“Biggest shoutout to our new friends who made our Webbys experience extra meaningful! This is our win,” dagdag ng food content creator.

Read more...