Sofia Andres takot bang pakasalan ang partner na si Daniel Miranda?

Sofia Andres takot bang pakasalan ang partner na si Daniel Miranda?

PHOTO: Instagram/@iamsofiaandres

“SIGURO it’s not the time yet.”

Ito ang naging sagot ng aktres na si Sofia Andres matapos usisain ng veteran broadcast journalist na si Karen Davila sa kanyang latest YouTube interview ang usaping kasalan.

Matagal nang karelasyon ni Sofia ang non-showbiz partner na si Daniel Miranda.

Sa katunayan nga ay taong 2015 pa silang magdyowa at mayroon na ring anak na si Zoe na isinilang noong 2019.

Sa panayam, biglang naiyak si Sofia sa naging tanong ni Karen at tila inihayag niya na hindi pa sila handa ng kanyang boyfriend.

Baka Bet Mo: Sofia mas naging ‘better person’ mula nang maging nanay; Juday, Echo eeksena sa GMA

“Siguro it’s not the time yet talaga. In God’s time,” sey niya. 

Paliwanag ng aktres, “Kasi married o hindi, you’ll never know kung kayo ba talaga. Kasi may married na naghihiwalay pa rin. Meron namang hindi married na nagtatagal naman.”

Nabanggit din niya na napag-uusapan na nila ito ng kanyang partner at napagdesisyunan na hindi nila kailangang madaliin ang pagpapakasal.

“I was telling my partner, Daniel –kasi he’s not complete also, his family. So if we’re not ready, we don’t have to rush it,” sambit ng celebrity mom.

Ayon pa kay Sofia, nais muna nilang pagtibayin ang foundation ng kanilang relasyon at ang pinakamahalaga riyan ay ‘yung respeto nila sa isa’t-isa.

“Respect is important, respect talaga. ‘Yung love, nandiyan lang ‘yan eh. ‘Yung respeto, hindi naman ‘yun agad nakukuha,” wika ng Kapamilya actress.

Kasunod niyan ay inisa-isa na ni Sofia ang mga katangian na gustong-gusto niya kay Daniel na siya ring rason na nagtagal ang kanilang relasyon.

“I’m just very luck na supportive ‘yung partner ko at tsaka hindi siya nasho-showbiz, kaya wala po akong reklamo,” chika niya.

Lahad pa niya, “He’s very loving, he’s very supportive sa anak. Kaya daddy’s girl po ‘yung anak namin.”

Noong nakaraang buwan lamang, nilinaw ni Sofia ang kumakalat na chika ukol sa ‘di umano’y hindi siya tanggap ng pamilya ng kanyang partner.

Sa pamamagitan ng Instagram stories, ibinahagi ng celebrity mom ang screenshot ng isang post mula sa Reddit kung saan tinatalakay ang kanyang pagiging missing-in-action sa kasal ng kapatid ni Daniel na si Enrique kay Ella Pangilinan noong Disyembre.

“Lagi niyo na lang akong pinag-uusapan. This will be my first and last post about this. I love Daniel’s family and [vice] versa,” panimula ni Sofia.

Pakiusap pa niya, “‘Wag naman sana kayo gumawa ng kwento. Hindi lahat ng chismis totoo even on TikTok [and] Reddit.”

Matatandaang una nang sinagot ni Ella ang tanong kung bakit wala ang aktres sa kanyang special day.

Ani Ella, may important matters si Sofia kaya hindi na ito naka-attend ng kanilang kasal.

Read more...