SA halip na makalimutan ang kanyang madilim at hindi kagandahang past sa pamamagitan ng pagpapa-tattoo, kabaligtaran ang nangyari sa kaso ni Angeli Khang.
Ang tinutukoy ng leading lady ni Ruru Madrid sa GMA Prime series na “Black Rider” ay ang ipina-tattoo niya sa braso na may konek sa mga mapapait na karanasan niya noong kabataan na gusto na niyang kalimutan.
Sa interview kay Angeli ni Kim Atienza sa programang “Dapat Alam Mo” ng GTV, ipinakita ng sexy actress ang nasabing tattoo na ang ibig daw sabihin ay “attraction”.
Baka Bet Mo: Brenda Mage ipina-tattoo ang logo ng ABS-CBN sa braso: ‘Ito ang network na tumupad sa mga pangarap ko’
Makikita sa braso ni Angeli ang tattoo ng isang itim na bulaklak na nasa loob ng isang mahabang box.
Pahayag ni Angeli, “Behind this box (sa tattoo) mayroon akong cut before noong bata pa ako na it’s about family. Ang reason ko kaya ko pinatakpan is para makalimutan ko na yung cut.”
Ngunit sabi nga ng aktres, sa halip daw na makalimutan at tuluyang mabura sa isip niya ang naging dahilan ng mga hiwa sa kanyang braso ay mas lalo pa raw niya itong naalala dahil sa naging itsura ng box.
Natatawang chika ni Angeli, “Nu’ng ipinalagay ko na yung tattoo, itong box na ito mukha namang blade.
“Kaya the more na gusto kong kalimutan, kapag nakikita ko mas naalala ko pa siya,” sey pa ng dalaga na napapanood bilang si Nimfa sa “Black Rider”.
Baka Bet Mo: Aiko Melendez ipina-retouch ang tattoo sa braso para muling ibandera ang pagmamahal kay Jay Khonghun
Sa naging panayam ng press kay Angeli noong nagsisimula pa lamang siya bilang Vivamax Bombshell, naikuwento niya ang dahilan ng pagkakaroon ng cuts sa braso.
“I’ll be completely honest. I was abused by my dad for years, physically abused. And throughout those years, pinalaki ako ng mom ko as a Godly person kaya I never lost hope.
“I always pray everyday to God and thankfully naman, pumapasok ako sa school na may pasa sa mukha and ang pinapa-reason sa akin ng dad ko na sa sobrang kulit ko kunwari natamaan ng door.
“Until one day siguro answered prayer na nakita ng teacher ko yung mga cuts ko sa wrist and she asked me kung anong nangyari and I just burst out na, kasi it’s really hard for me to call someone dahil alam ko na uuwi ako sa taong nang-a-abuse sa akin, so I was really scared.
“Hanggang sa nu’ng na-open up ko siya sa teacher ko, he asked me to call my dad and after that, when I told my dad na kailangan siya sa school, bigla na niya akong inuwi dito sa Pilipinas.
“So up until now I’m still affected by it but thankfully naman nasa mom’s side na ako and I’m grateful na after all those years,” paglalahad ni Angeli.
Pero paglilinaw niya, ang paghihiwa niya sa braso ay hindi para tapusin ang kanyang buhay, “I was with my dad from 2011 to 2014 and yung mga cut sa wrists it’s not something that means na gusto ko magpakamatay but hindi ako nakaka-open up sa tao and whenever I open up to my friends, parang hindi siya kumpleto sa feeling ko.
“Parang yung comfort na gusto kong makuha para maging okay sa araw na yun, hindi ko siya nakukuha through talking. Whenever I feel pain, hindi siya pain for me.
“Pag may mga taong nakakita ng mga cuts, lagi nilang sinasabi na emo or ganyan, ganyan. But when you’re in that situation, cutting is something na parang du’n ako nagiging comfortable and I know that it’s not right.
“And nu’ng pina-psychiatrist ako du’n ko na-realize na it’s not normal for me to fantasize about death or killing or about bad things,” rebelasyon pa ni Angeli Khang.