Aiko Melendez ipina-retouch ang tattoo sa braso para muling ibandera ang pagmamahal kay Jay Khonghun
KUPAS na ang naka-tattoo na “Khonghun” sa kaliwang braso ni Quezon City 5th District Councilor Aiko Melendez.
Ipina-tattoo niya ang apelyido ng kanyang partner na si Zambales 1st District Representative Jefferson “Jay” Khonghun bilang tanda ng kanyang pagmamahal sa nobyo. Limang taon na ito sa darating na Oktubre 28.
Kaya naman ipina-retouch ng konsehala ang tattoo para luminaw ulit ito at ipinost nga niya ngayong araw, Miyerkules, Oktubre 26 sa social media.
Ang caption ni Aiko sa video post niya, “And …. Here comes the Tat (smiling face emoji). Needed to retouch my old one and my friend came in to the rescue! Thank you Xien Baza and na-meet n’ya family ko and my mom na wala na nagawa na maawat kami.
“But my Mom said ‘retouch lang naman anak so ok na’ XIen welcome sa family namen un ang sabi ng mama ko Elsie Castaneda sa wohoooo! Thanks sa magaan na kamay di ako nasaktan at all iba kapag babae ang gumagawa,” anang aktres.
Ang sweet messages na nakapukaw sa followers ni Konsi Aiko sa Facebook sa sinabi niyang, “PS hindi lang sa puso ikaw nakatatak cong Jay Khonghun kundi sa aking mga balat (smiling face emoji) labyu!”
Pinuri ng netizens ang aktres kung gaano niya kamahal ang nobyo at dito inaming meron din palang ganitong tattoo si Cong Jay. Sabi kasi ni Kagawad @Gracia Osio Oraa, “So sweet ayiiiii.”
Sagot naman ni Aiko, “@Gracia Osio Oraa si Cong Jay Khonghun dn kagawad meron also Melendez naman kaso kupas ung kanya.”
Saka tinanong si Cong. Jhay ng, “Kelan mo papa ayos ung s’yo Jay Khonghun (smiling face emoji) kupas na ahhh.”
Wala pa kaming nabasang sagot ni Cong. Jay dahil base na rin sa FB post niya ay abala siya sa kanyang constituents tulad ng DOLE TUPAD Orientation, TUESDAY SERBISYO DAY! Pagbibigay TULONG AT KALINGA at iba pa.
Gayun din si Konsi Aiko na abala rin sa mga gawain niya bilang konsehal ng 5th district base rin sa mga post niya na kakatapos lang nilang pag-usapan ang budget for 2023 para sa lungsod niya, ang pag courtesy call niya sa Quezon City District Anti Cybercrime unit at iba pa.
Related Chika:
Aiko nagbigay ng warning sa mga taga-Zambales; fans nina Andrea, Seth may hiling sa ABS-CBN
Eleksyon hugot ni Aiko: Hindi natin kailangang magbatuhan ng putik…respeto lang
Barbie Forteza, Jak Roberto 5 years nang magdyowa, netizens napa-wow
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.