Eleksyon hugot ni Aiko: Hindi natin kailangang magbatuhan ng putik...respeto lang | Bandera

Eleksyon hugot ni Aiko: Hindi natin kailangang magbatuhan ng putik…respeto lang

Reggee Bonoan - March 22, 2022 - 04:55 PM

Aiko Melendez

Aiko Melendez

INILANTAD na ng aktres at kumakandidatong konsehal ng 5th District ng Quezon City na si Aiko Melendez ang mga susuportahan niyang kandidato sa darating na May 9 elections.

Sa kanyang Facebook account, nabanggit ng Kapuso actress na sina dating senador Bongbong Marcos, Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang ieendorso niyang pangulo at pangalawang pangulo ng ating bansa.

Ipinost ni Aiko ang larawan nina BBM at Sarah sa FB na ang caption ay, “Ako po ay isang Artista at naniniwala at sumusuporta ,Sa susunod na Pangulo ng ating Republika ng Pilipinas.  At ako din po ay naniniwala sa kakayahan ng kanyang Bise Presidente.

“Nuon pa man mayor pa si Inday Sara ako ay isang tagahanga. Katunayan ang pangarap ko ay ma-meet s’ya ng personal. Me kanya- kanyang opinion po tayo at pananaw sa mga nais nateng suportahan at nirerespeto ko din ang mga ibang kapwa ko artista sa nais nilang maging bet sa 2 of the highest position sa ating bansa.

“Hawak ko sa aking puso ang paniniwala na sila ang karapat -dapat na manungkulan.

“Hindi ko na rin kailangan pa ang mamuna sa kakulangan ng ibang kandidato. Dahil sapat na sa akin na ipakita ang aking buong suporta.

“At sapat na din sa akin na ang mga kandidato ko ay walang galit sa kanilang mga puso at yan ang gagawin kng inspiration sa aking muling pagsabak sa public service.

“Hindi naten kailangan ang magbatuhan ng putik sa ating mga kapwa. Naniniwala pa din ako me karapatan tayong lahat mamuna pero hindi naten kailan man mamuna sa isang bagay na di pa naman napapatunayan,” mariing pahayag ni Aiko.

Biglang naglabasan ang mga maka-BBM at Sara dahil wala pang dalawang oras nu’ng i-post ito ni Aiko ay umabot na sa 10,000 ang nag-like at libu-libo rin ang nag-share.

Kung karamihan sa mga artista ay proud kakampink, matapang namang ibinandera ni Aiko ang kanyang choice para manungkulan sa bansa.

Anyway, abala pa rin ang aktres sa paglilibot sa buong Distrito 5 ng Quezon City para mamahagi ng bigas at COVID-19 essentials kit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)


https://bandera.inquirer.net/294763/hindi-ako-naghihirap-pero-hindi-ko-rin-masasabing-mayamang-mayaman-ako

https://bandera.inquirer.net/286538/mukhang-high-school-photo-ni-aiko-viral-na-mahirap-pero-kung-gugustuhin-kakayanin-yan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/289642/aiko-payag-bang-makipaghalikan-at-gumawa-ng-love-scene-sa-pelikula-kasama-si-long-mejia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending