Jessa: Ano kaya, maghugas ako ng pinggan tapos may diamonds ako!?

Jessa sa bashers: Ano kaya, maghugas ako ng pinggan na may diamonds!?

Jayda Avanzado at Jessa Zaragoza

NAGPALIWANAG ang mag-inang Jessa Zaragoza at Jayda Avanzado sa kanilang controversial video na nag-viral kamakailan sa social media.

Naging isyu kasi para sa ilang netizens ang paghuhugas ni Jessa ng mga pinggan habang kuntodo-make up at bini-video ng anak nila ni Dingdong Avanzado.

Tanong ng ilang bashers, kailangan daw ba talaga na naka-make up kapag naghuhugas ng mga pinagkainan? Parang nagpapapansin lang daw ang OPM artist.

Kaya naman nang makachikahan namin at ng ilang showbiz reporters sina Jessa at Jayda sa birthday at thanksgiving party ng veteran columnist at content creator na si Aster Amoyo last Friday, May 10, ay ang naturang isyu agad ang tinanong sa kanya.

Baka Bet Mo: Jessa, Dingdong super hinangaan si Jayda sa bagong proyekto, naloka sa mga eksena: Ano ba ‘yung kiss tunay ba ‘yun o daya?

Super laugh muna ang actress-singer bago sumagot, “Ayun na nga! Ano kaya kung maghugas ako ng pinggan tapos meron akong mga diamonds, di ba? Baka may masabi na naman sila. Ha-hahaha!”


Katwiran pa ni Jessa, “Kasi, di ba, pinapahula niya (Jayda) yung lyrics ng kanta niya sa akin? E, kasi, hindi naman yun planado.

“Bigla na lang na-ambush ako habang naghuhugas ng pinggan. Wala naman kaming katulong or helper sa bahay,” simulang paliwanag ni Jessa.

Patuloy pa niya, “Galing ako sa show noon. Nag-event kami sa St. Luke’s yata noon. Tapos, siyempre, ganu’n ako talaga kahit sa Amerika.

“Pagkababa ng kotse, hindi muna ako magtatanggal ng mga make-up. Hindi ako nakapagbihis, diretso sa kusina, hugas agad ng pinggan, kung ano man yung naiwanan ko du’n,” esplika pa niya.

Ibig sabihin, hindi yun ang first time na  ginawa niya yun at hindi naman talaga niya sinadya “Ay, hindi! Hindi. Hindi pinagplanuhan iyon. Talagang ano, organic.

Baka Bet Mo: Jessa, Dingdong hindi nakikialam sa mga desisyon ni Jayda sa kanyang career: ‘Never po silang naging stage parents’

“And I’m sure maraming mga working moms ang nakaka-relate. Kasi siyempre naman, gusto kong maglinis na ng katawan, magtanggal ng make-up, pag tapos na lahat yung gawain ko.

“Saka ako aakyat para hindi na ako pagpapawisan pa ulit,” aniya pa.

Sa tanong kung ano ang feeling niya kapag may mga namba-bash sa kanya nang dahil sa isang simpleng video, “Alam mo, sa totoo lang, ewan ko, yung mga taong nakakakilala sa akin, matagal ako bago ako maasar talaga nang bonggang-bongga.

“Isa ako sa mga deadma talaga. So, kapag sumasagot ako na ganu’n, hindi ibig sabihin, napipikon ako.

“Parang… ‘Ahh, ganun? Gusto mong maglaro? Laro tayo!’ Ha-hahaha! Ganu’n lang.

“Inano ko lang. Sinabihan ko lang din, in-explain ko lang. Para ngang biniru-biro ko pa, ‘Okay na ba sa iyo ang explanation ko? Malinaw na ba?’ Ha-hahahaha! Hindi naman seryoso yun,” sabi pa ni Jessa.


Nag-explain din si Jayda sa viral hugas-plato ng kanyang nanay, “Kasi alam ko po, sa Facebook po yun. Pero saka na lang, nu’ng nabasa ko sa internet, sa article po na, yun nga, sinasabi po na hindi ako naghuhugas ng pinggan.”

Sey pa ng dalaga, tulad ni Jessa, marunog din siya sa mga gawaing bahay, “Ang katotohanan niyan, naghuhugas din ako ng pinggan! Ha-hahaha.

“Ano po kami, salitan po siguro. Depende po sa kung sino po ang hindi busy sa pagkakataong iyon.

“And ako naman, thankful din naman ako na yung nanay ko po, very nurturing siya na gaya ng sinasabi niya palagi sa akin, parang it brings her joy to serve not only me but my dad as well, yung pamilya po namin.

“Naghuhugas din po ako ng pinggan,” aniya pa.

Pinatunayan din nu Jessa na hindi tamad-tamaran si Jayda at sa katunayan, naglilinis din ng bahay ang kanyang anak.

“Kasi naman, siyempre, tumira kami sa Amerika. Sanay kami sa gawaing-bahay, magtapon ng basura.

“Hanggang ngayon sa bahay namin, ako naglalaba talaga. Mas gusto ko na ako naglo-laundry, kasi may mga damit na very critical, na kailangan lalagyan mo pa ng laundry net.

“Mayroon pang-hand wash. So mas gusto ko na ako ang nagha-handle nu’n,” aniya pa.

“Ganu’n talaga siguro ang life. Hindi naman namin hinihingi yung mga ganung ano.

“Alam mo naman ako, tahimik lang. Ayaw natin ng mga ganun-ganun. Marami lang shows, ganun. Pero yung mga bali-balita, hindi natin inaano…” dagdag pa ng aktres.

Sabi pa ni Jessa sa mga kontrobersiyang kinakaharap ng anak, “Well, ganu’n talaga. Nasa showbiz ka, e. Nasa showbusiness ka, natural lang na meron talaga na darating ang pagkakataon na ganyan.

“Basta kapag tinanong ka naman nang maayos, sagutin mo din nang maayos, di ba?” sey ni Jessa Zaragoza.

Read more...