Rayver napa-wow sa pagkasa ni Julie Anne sa ‘Piliin mo ang Pilipinas’ trend

Rayver napa-wow sa pagkasa ni Julie Anne sa ‘Piliin mo ang Pilipinas’ trend

PHOTO: Screengrab from Instagram/@myjaps

HINDI lang fans ang pinabilib ni Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa “Piliin mo ang Pilipinas” trend, dahil napa-wow din kahit ang kanyang boyfriend na si Rayver Cruz!

Si Julie Anne ang latest celebrity na kumasa sa trending na challenge ng TikTok.

Kakaibang gimik din ang ipinamalas ng Kapuso star dahil ang transformation na kanyang ginawa ay bilang si Maria Clara.

Magugunitang si Julie Anne ang bumida sa nasabing karakter sa GMA Primetime series na “Maria Clara at Ibarra” na mula sa inspirasyon ng mga librong “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” na isinulat ng national hero na si Jose Rizal.

Ang caption pa ng aktres sa IG post, “Hola! Maaari pa bang magpasa ng takdang aralin si Maria Clara?”

Baka Bet Mo: Whamos sa ‘ninakaw’ umano na clips: Nasaktan ako, hinihila pa ako pababa!

Sa comment section, maraming kapwa-celebrities ang napa-react at humanga sa pagkasa sa hamon ni Julie Anne.

Kabilang na riyan sina Barbie Forteza, Ysabel Ortega, Rodjun Cruz, Faith Da Silva, Janeena Chan, at siyempre, ang kanyang dyowa na si Rayver na ang komento: “Wow loveee i love you so much [smiling with heart eyes, flying kiss, Philippine flag emojis].”

Saad naman ni Barbie, “Napakaganda mo, Señorita! [smiling face with hearts, heart hands emojis]”

Lahad ni Rodjun, “Grabe toh napaka solid @myjaps [smiling with heart eyes, queen emojis]”

Para sa mga hindi aware, ang kanta sa nabanggit na challenge ay inawit ni Angeline Quinto bilang theme song para sa kampanyang “Choose Philippines” tourism.

Ilan lamang sa mga nag-trending ay ‘yung kay Vice Ganda na itinampok ang iba’t-ibang isyu sa ating bansa.

Naging usap-usapan din ‘yung ginawa ng content creator na si Whamos Cruz na nagbibigay-pugay sa mga manggagawang Pilipino.

Nabahiran ito ng kontrobersya matapos siyang pagbintangang magnanakaw ng video editor na may Facebook username na JAK Seventy-Three.

Sa social media mismo nag-call out si Jak kung saan ibinandera niya ang ilang featured clips na kinuha ng content creator mula sa kanya.

Ayon sa video editor, Ang mga naturang clips ay kinuhanan niya sa naganap na Sinulog Festival noong nakaraang taon.

Nakarating naman agad ito kay Whamos at nilinaw na hindi siya ang may kasalanan nito kundi ang kanyang editor na nag-edit ng “Piliin mo ang Pilipinas” challenge.

Paliwanag niya, “Actually, hindi ako ‘yung may kasalanan dito na bakit may na-involve na clip video doon. Una sa lahat, ako po ay isang vlogger, content creator, gumagawa lang din naman ng video pero hindi ibig sabihin ‘nun ako na po ang editor or videographer. Sa part po na entry ko ng ‘Piliin mo ang Pilipinas,’ meron po akong mga tao na nasa paligid ko –videographer, editor. So may cast kami.”

Sey pa ni Whamos, “‘Yun lang sakin, sana minessage niyo na lang po kami and para hindi na po humaba ‘yung isyu kasi ‘yung video clip naman po na ‘yun eh ginamit naman po sa tamang paraan, hindi naman po sa maling paraan.”

Read more...