‘Manang Bola’ ng Batibot na si Priscila Rose pumanaw na sa edad 60

'Manang Bola' ng Batibot na si Priscila Rose pumanaw na sa edad 60

Priscila Rose Nalundasan a.k.a. Manang Bola ng Batibot

PUMANAW na ang iconic voice artist na si Priscila Rose Nalundasan, na mas kilala bilang si Manang Bola sa classic children’s show na Batibot. Siya ay 60 years old.

Ibinahagi ng kanyang kaibigan at kasamahan noon sa “Batibot” na si
Bodjie Pascua, ang malungkot na balita sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Ipinost ni Kuya Bodjie ang mga litrato nila ni Manang Rose sa FB kasama ang ilan pa nilang kaibigan kalakip ang pagkumpirma ng kanyang pagyao.

Baka Bet Mo: Francine Diaz: Kapag may nagsabi ng ‘Ay, ang taba mo’ kahit pabiro lang siya ang sakit pala

“Heartbroken to find out that Priscila Rose Nalundasan, our dearest Manang Bola, passed away this morning.


“Love you, dear friend. Sobra kitang mami-miss Rose. Rest in peace,” ang caption na inilagay ng veteran actor sa kanyang FB post.

Nagbahagi rin ang anak ni Manang Rose (na isa ring kilalang puppeteer) na si Jaymar Nalundasan sa kanyang Facebook page ng madamdaming message para sa yumaong ina.

“Kahit kailan hindi namin ikinahiya kung gaano namin kamahal ang mga magulang namin.

“Hindi magiging sapat lahat ng nagawa namin para sa kanila. Panghihinayang na lang sa mga hindi pa nagagawa.

“Gusto ko lang po magsabog ng pagmamahal sa gitna ng napakatinding kalungkutan. Maraming salamat po sa lahat ng nagmamahal din sa mga magulang namin,” aniya.

Sinabi din ni Jaymar na pumanaw ang kanyang nanay nitong nagdaang Biyernes, May 10, “due to health complications.”


”Nahihirapan na po siya magbasa nitong mga huli dahil sa apektado po ng diabetes ang mga mata niya. Performance level pa rin po talaga siya.

”Ako po ang number 1 fan ng nanay ko at personal technical staff niya.

Baka Bet Mo: Lovelife hugot ni Francine Diaz: Never pa akong naligawan, I think nabola lang…yung mga pa-fall!

“Handa po akong mag assist sa nanay ko sa kahit anong trabahong gustong gusto pa rin niyang gawin kahit nanghihina na siya.

”Isang paghanga at pamamaalam. Mahal naming nanay,” ang message pa ni Jaymar sa yumaong ina.

Sa mga hindi pa masyadong nakakakilala kay Manang Rose, sikat na sikat siya noon sa kiddie educational show na “Batibot” bilang ang manghuhulang puppet na si Manang Bola.

Halos lahat ng mga kabataan noong dekada 80 hanggang 90 na sumusubaybay sa naturang programa ay kabisado ang kanyang famous line na, “Perlas na bilog, wag kang tutulug-tulog, sabihin sa akin ang sagot. Ba-be-bi-bo-bu.”

Malahawa rin ng pelikula si Manang Rose noong 2022, ang “Day Zero” na pinagbidahan nina Brandon Vera, Pepe Herrera, at MJ Lastimosa.

Last year, naging contestant din siya sa “Family Feud” kasama si Kuya Bodjie, Soliman Cruz at Adriana Agcaoili.

Read more...