Francine Diaz: Kapag may nagsabi ng ‘Ay, ang taba mo’ kahit pabiro lang siya ang sakit pala | Bandera

Francine Diaz: Kapag may nagsabi ng ‘Ay, ang taba mo’ kahit pabiro lang siya ang sakit pala

Ervin Santiago - March 20, 2022 - 07:52 AM

Francine Diaz, KD Estrada, Ashton Salvador at Akira Morishita

Francine Diaz, KD Estrada, Ashton Salvador at Akira Morishita

“I DON’T have to fight them but I have to fight for myself!” Ito ang naging mantra ng Kapamilya young actress na si Francine Diaz para labanan ang naranasan niyang panlalait noon.

Siguradong maraming makaka-relate sa bagong iWantTFC original series na “Bola Bola” na pinagbibidahan ni Francine, lalo na ang mga nagiging biktima ng body shaming.

Gaganap dito ang young actress bilang si Thea na isang babaeng plus size. Dito kinailangang magsuot ng prosthetics at fat suit ang dalaga.

Ayon kay Francine sa digital mediacon ng “Bola Bola” last Thursday, “Habang ako si Thea, kahit fat suit lang po ’yun ah, kahit prosthetics lang kapag may nagsasabi na ‘ay, ang taba mo’ kahit pabiro lang siya ang sakit pala.”

“Ngayon, na-realize ko na kahit pala joke lang, kahit hindi mo mini-mean na saktan ‘yung feelings niya, masasaktan pa rin siya,” aniya pa.

Naranasan na rin ni Francine ang ma-bully at malait nang dahil sa kanyang pisngi ngunit sa halip na patulan at pagsalitaan din ng masama ang mga bashers ginawa niya itong motivation para mag-workout.

“Kahit gaano ako nahirapan sa pag-workout dati, ‘yun ‘yung iniisip ko. Tapos every time na naririnig ko ‘yun sa utak ko, mas nagwo-work out ako.

“And I think naging good naman ‘yung resulta niya kasi I can say na nagiging better version ng sarili ko ever since ginawa kong motivation ‘yung mga ganoong comments nila about me.

“I don’t have to fight them but I have to fight for myself,” ang pahayag pa ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)


Ito naman ang payo ng aktres sa lahat ng mga laitera at bully sa social media, “Kailangan careful ka rin sa mga words na bibitawan mo and kahit na sabihin mo agad na ‘magpapayat ka na kasi,’ hindi pala ganoon kadali, kasi na-experience ko ‘yun kay Thea.

“Be careful sa words and mas maging kind,” dagdag niya.

Para naman sa lahat ng mga taong biktima ng body shaming at iba pang uri ng pambu-bully, “Huwag makikinig sa sinasabi sa ’yo ng tao kasi pampagulo lang ‘yang mga ‘yan, eh.

“Kung okay ka naman sa sarili mo, tanggap mo ‘yung katawan mo and mahal mo ‘yung self mo, hindi mo kailangang mag-seek ng opinion ng ibang tao kasi mako-confuse ka diyan eh, mga pa-epal sila sa mind natin.

“Kung sa tingin mo walang mali sa ’yo, at wala naman talaga pero sinasabi ng ibang tao na ‘ay dapat mapayat ka, ay dapat ganito ka’ huwag kang makinig sa kanila kasi ginugulo nila ‘yung isip mo. At ‘yun ‘yung mahirap sa lahat kapag nagulo na ‘yung isip mo kasi diyan ka na rin magkakaroon ng doubt sa self mo, diyan nawawala ‘yung self-love.

“Just focus on yourself and huwag mong pakinggan ‘yung mga hindi magagandang sinasabi sa ’yo,” paalala pa ni Francine.

Magsisimula na ang bagong digital series ni Francine na “Bola Bola” sa iWantTFC sa darating na March 26. Ito’y base sa libro ni Anna Geronga at mula sa direksyon ni JP Habac under Dreamscape Entertainment and KreativDen.

Kabilang din sa serye sina Analain Salvador at Danica Ontengco ng The Squad Plus, Vance Larena, J-Mee Katanyag at Arlene Muhlach.
https://bandera.inquirer.net/302259/francine-diaz-single-pa-rin-hindi-naman-sa-ayaw-ko-ng-love-life-pero-hindi-pa-po-ako-ready

https://bandera.inquirer.net/308376/jericho-rosales-bibida-sa-sellblock-francine-diaz-pag-aagawan-ng-tatlong-lalaki-sa-bola-bola

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/298878/bea-gomez-super-excited-nang-lumaban-sa-2021-miss-universe-im-ready-to-fight

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending